Saturday , November 23 2024

Donasyon para sa Taal victims saan na ga napunta gob?

AY hindi ko ga tanong ‘yan.

Tanong po iyan ng mga biktima ng pag-aalboroto ng Taal sa lalawigan ng Batangas.

Sa kasalukuyan kasi’y nagre-recover ang mga mamamayan ng Batangas.

Alam nilang maraming bumuhos na donasyon at tulong sa panahon na matindi ang pagbuga ng abo kaya nga marami sa kanila ang mga naging ‘bakwit’ sa evacuation centers.

Mayroong dalawang casualties pero hindi dahil sa pagsabog ng Taal kung hindi sa mga dating sakit na kanilang nararamdaman.

Pero habang nasa evacuation centers, kahit mayroong mga dumarating na tulong, higit na hinahanap ng mga kababayan nating Batangueño ang nawawala nilang dignidad.

Kumbaga, hindi sila sanay na inaabutan o binibigyan lang ng tulong, mas gusto nilang gumawa o maghanapbuhay para makabili ng kanilang mga pangangailangan sa buhay.

Kaya nga pilit nilang binabalikan ang kanilang mga bahay at mga alagang hayop na katulong nila sa kabuhayan.

Galit ang naramdaman ng mga tao nang magkaroon ng order na ‘lockdown.’

Ang sabi nila, sila ang higit na nakaaalam at nakararamdam kung payapa na ang Taal.

Sa madaling sabi, pagkatapos nang ilang araw, nagsibalikan na sila sa kanilang mga tahanan at unti-unting nilinis ang kanilang mga lugar.

Kumbaga, sila ngayon ay nasa estado ng rehabilitasyon.

At ‘yun ang hinihintay nila — ‘yung alalayan sila ng lokal na pamahalaan pero tila wala silang nararamdaman.

Kaya sila ngayon ay nagtatanong: Saan na ga Gobernador Hermilando Mandanas napunta ang mga donasyon?

Ay pakisagot lang po, Gob!

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *