Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojak, natulala nang manalong Best Novelty Artist of the Year sa PMPC

IPINAHAYAG ng magaling na singer/comedian/composer na si Mojak na natulala siya at hindi makapaniwala nang tawagin bilang winner sa 11th PMPC Star Awards for Music para sa kategoryang Best Novelty Artist of the Year.

Saad ni Mojak, “Naku, grabe ‘yung kaba ko po noong awards night, ‘di ko alam ano ang gagawin dahil first time ko pong dumalo sa event na ganito. Lalo’t kasama at kasabayan ang malalaki at tinitingala nating artista. Pero ang sabi ko na lang sa sarili ko, ‘Mojak, kaya mo ‘yan, ang ma-nominate ka ay panalo ka na sa rami ng magagaling na manunulat at mang-aawit sa bansa.’

“So, lalo na noong ipinakita ang nominado bilang Best Novelty Song of the Year & Best Novelty Artist of the Year. Kaya nang tinawag ni Christian Bautista ang Best Novelty Song na si Meme Vice (Ganda), natuwa ako. Kasunod pala niyon ang Best Novelty Artist, kaya ang alam ko si Meme Vice Ganda na, kasi siya na po ‘yung Best Novelty Song. Pero ang nangyari, pangalan ko pala ang tinawag – blanko po ako kaya ang sabi sa akin ng katabi ko, ‘Mojak ikaw ‘yun!’ Kaya five seconds yata akong ‘di nakatayo, kasi ‘di ko alam gagawin at ano sasabihin. Kasi, ‘di ko po talaga naisip na mananalo ako, ang mga inidolo ko, mentor ko, malalaking artists, at magagaling ang kalaban ko, sino ba naman po ako?

“Especially si Mama Vice Ganda na malaki ang naitulong po sa akin niyan noong nag-start pa lang ako sa ente­rtainment, siya ang nag-approved sa akin sa Punchline pa­ra maging stand-up comedian at doon nila ako tinawag na Blackqueen kasi impersonator po ako ng yumaong si Blakdyak. Malaki ang respeto ko kay Mama Vice Ganda at sa lahat ng comedy bars na pinagtrabahuan ko.”

Dahil sa natamong award sa PMPC ay mas inspirado si Mojak. Ang latest song niya titled Gusto Mo Pero Ayaw Ko na siya rin ang producer/composer ay humahataw ngayon. Aniya, “Sa YouTube ay may 692,500+ views, 28k likes, at may 14k shares ito. Kaya itong award ini­aalay ko po ito sa aking Amang Diyos na nasa langit, pamilya ko at sa co-nominee for Best Novelties, at sa aking followers, likers, and subscribers sa social media, maraming sala­mat po sa inyong lahat. At sa press and sa 11th PMPC Star Awards for Music, salamat po sa pagtitiwala.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …