Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lorna Tolentino, happy kahit kinamumuhian ng viewers ng Ang Probinsyano

MARAMING suking televiewers ng top rating show na FPJ’s Ang Probinsiyano ang sobrang buwisit sa character ni Lorna Tolentino bilang Lily Cortez na naging first lady na ni President Oscar Hidalgo, played by Rowell Santiago.

Sobra kasi ang kasamaan ni LT sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, kaya marami ang namumuhi sa kanya rito. Pero ayon sa premyadong aktres, masaya siya sa reaksiyong ito ng manonood.

“Maraming salamat, kasi ibig sabihin effective, kahit nga ako galit na galit ako roon sa role ko, e. hahaha!” Nakatawang sambit niya nang makapanayam namin sa grand opening ng Skinfrolic by Beautederm sa Ayala Malls Manila Bay, recently.

Naba-bash din daw siya sa social media dahil sa role niya sa serye. “May mga nakikita ako na nagsasabi na patayin na si Lily, pero okay lang, kasi wala namang personal doon, trabaho lang, ‘di ba?”

Aminado si Ms. LT na mas salbahe na ang character niya ngayon dito. “Oo lalo na, parang nandoon sila sa fall of the palace, the rise of the evil queen, ‘yun ang peg. Ngayon lang ako nakagawa ng role na super black talaga, as in walang gray side, salbahe talaga, kontrabida talaga.”

May nagsasabi na siya raw ang pumalit kay Eddie Garcia sa kasalbahihan dito. “Yes, pero babae, ngayon nga lang daw sila nagkaroon ng babaeng kontrabida na makakalaban ni Cardo.”

Aniya, “Actually magwa-one year na ako sa March. So sa March 1, kapag umabot ako, isang taon na ako sa Ang Probinsyano.”

Dahil isa siya sa ambassador ng Beautederm, isini-share niya rin ba ito sa Ang Probinsiyano? “Of course! Palagi, like noong Christmas, siyempre mayroong in-allot sa akin si Ms. Rei (Tan) para sa lahat, for the staff, crew, ‘tsaka ‘yung mga co-actor,” saad ni LT.

Pati si Coco mayroon din? “Yes, nabigyan ko, hahaha!”

Nabanggit din ni Ms. Lorna na masaya siyang maging bahagi ng Beautederm family at mayroon na rin siyang online store ng Beautederm. “We are family talaga, maganda ang samahan dito lalo na kapag walang intriga. So rito, puro pagmamahal lang talaga, suporta sa isa’t isa, walang selosan… lahat positive lang talaga. Kaya thank you kay Ms. Rei, congratulations and we are always praying sa success pa ng BeauteDerm at ninyo ni Papa Sam, maraming salamat for being our CEO.

Plano niya rin bang magkaroon ng BeauteDerm store?

“Eventually mayroon na ako sa online, LT by BeauteDerm, online po iyon sa FB, i-follow n’yo lang po, maraming salamat,” sambit ng magandang aktres.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …