Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerald, sinuwerte sa Viva

NAKAUSAP namin ang mahusay na aktor na si Jerald Napoles sa Thanksgiving Party ng Viva Films kasabay ng paglulunsad ng mga pelikulang ipalalabas nila sa 2020.

Dubbed as 2020 Viva Vision, isa si Jerald sa mga artistang lubos din ang pasasalamat kay boss Vic del Rosario sampu ng kanyang pamilya at kompanya sa patuloy na pagbibigay ng tiwala sa kanya. Pati na sa espesyal na babaeng nagmamay-ari ng puso niya na si Kim Molina.

Sila ni Kim uli ang bida sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam at makakasama naman niya ang mga icon ng comedy sa Pak Boys.

Bata pa lang ako, fan na ako ng Janno Gibbs at Manilyn Reynes. Ngayon, part pa rin ako ng ‘Ang Probinsyano.’ At isa sa pinasasalamatan ko eh, si Coco (Martin). Five years ang kontrata ko with VAA as a Viva Artist.

Wala pa akong tinatanggap na play. Kasi MWF ang taping ko sa ‘Ang Probinsyano.’ Pero sabi naman sa akin nina Boss Vic basta may opportunity at maganda naman ang offer na play, gawin ko pa rin.”

Born in the Yeat of the Boar (Pig), excited si Jerald sa mga proyektong naghihintay sa kanya sa Year of the Metal Rat.

“Pakiramdam ko naman, maganda para sa akin, pati na kay Kim ang pasok ng taon. Dahil pareho kaming magiging busy.”

Patuloy lang na sumasaya at tumitibay ang relasyon nilang ginagabayan ng mahigpit na pagmamahalan, respeto, at katapatan.

“Tuloy-tuloy lang. Walang banggaan. Huling linggo na ng ‘Kadenang Ginto’ niya. Pareho naman kami niyan na walang arte. Sa trabaho lang kami umaarte! Nagma-maganda lang!

“Pinag-uusapan na rin naman namin ang paglagay sa tahimik. But as it is okay pa kami sa ganitong set-up.”

Experimental ang Viva Films 2020 Vision Films sa taong ito. Wala kang itutulak-kabigin at siguradong panonoorin mo at susubaybayan.

Sa ihinaing mga teaser/trailer, muli lumutan ang pagiging kilala g Viva Films sa mga glossy movies niya in its glory days.

34 movies ‘yan!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …