Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bell’s Palsy, ‘di nakahadlang kay Wency

TINAMAAN pala ng Bell’s Palsy ang dating bokalista ng After Image at sandaling naging parte ng Advent All na si Wency Cornejo.

Pero hindi ito naging balakid para hindi siya kumanta at maging bahagi ng dalawang gabing concert niya with Basti Artadi (Wolfhang), Dong Abay (Yano), at Jett Pangan (The Dawn) sa Music Museum.

Sabi ni Wency, patuloy ang kanyang therapy. At kinabahan nga siya na baka hindi niya makanta ang mga hits niya na inasahang marinig ng mga tao sa kanya.

Successful ang dalawang gabing full-packed ng supporters ng apat all these years.

They were like beasts onstage na nag-unleash ng kanilang passion sa kanilang mga talentong patuloy nilang iniaalay sa madla.

Si Wency ang nag-produce ng concert at nag-conceptualize. At dahil hindi nakasama sa 90’s Frontmen Acousticized ang naka-base na sa America na si Paco Arespacochaga (ng Introvoys) sa pamamagitan ng Teknolohiya, ito ang naging video host sa pag-i-introduce sa apat na nag-participate with his drums sa finale ng concert.

So very sexy, cool, fierce and professional ang apat sa kanilang performance.

Ayon kay Ayen Garcia and her Team, ang Advantage International Marketing, may mga kasunod pa ang plano rin nilang i-tour around the country and abroad na concert.

Marami pa tayong artists ng nagdaang mga dekada na kailangan pa ring marinig uli ng kanilang mga tagahanga. Schedule lang ang iaaayos at lahat halos gustong sumampa uli sa entablado!” sabi ni Ayen!

Super throwback. Super saya.

For me personally, it was a night of nostalgia. Nasa crowd kaya ang mga ex ko? Haha. Those were the music we fell in love with!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …