Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbie Forteza, bilib sa professionalism ng co-star na si Kate Valdez!

BIDA pareho sina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday ng GMA-7 at puring-puri ng una ang huli.

Nakikita raw niya kay Kate na parang gustong-gusto talagang matuto.

Palatanong raw sa kanya at kay direk kung ano ‘yung mas makabubuti sa eksena.

“‘Tsaka para sa kanya there’s no nothing scene,” she said obviously referring to Kate.

“Kahit ba nagba-vlog lang kami kunwari, talagang sineseryoso niya lahat ng bagay, na para sa bagets na katulad niya e malaking bagay iyon, and isa iyon sa mga ugali ng mga artistang you will look up to in the future, di ba?”

Nasa show rin sina Dina (as Sussie na ina ni Kate) at Snooky Serna (as Amy na ina naman ni Barbie).

“Bago kami mag-take, nakatatawa kasi sabi ni Ms. Dina Bonnevie… sabi niya, ‘Direk, parang I don’t want to do this, parang I don’t want to pour coffee over her because the people will hate me, the Ilokanos will hate me and I don’t like that!’

“So ‘yung mga gano’n,” added a laughing Barbie.

Bukod kina Dina at Snooky, kasama rin sa cast ang well-respected and multi-awarded actress Celia Rodriguez (as Zenaida).

Shifting to other interesting topic, ano ang Christmas gift nila sa isa’t isa ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto?

“Binigyan niya ako ng necklace para close to the heart,” she asseverated.

And what did she give him in return?

“Yung mic na pang-vlog, kasi compatible siya sa camera tsaka phone. No’ng nag-Japan kami, naghanap siya ng ganyan pero wala siyang makita.”

Laging may paandar o sorpresa si Jak para kay Barbie tuwing may okasyon.

“Ay, oo! In fairness naman sa kanya. Old-fashioned naman siya.”

Magtatatlong taon na ang relasyon nila at tipong masuwerte raw si Barbie kay Jak.

“I know! Uy, wait lang naman! Para namang siya lang ang suwerte! Hahaha! Hello!”

Part rin ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday din sina Jean Saburit (bilang Vanessa), Tanya Montenegro (bilang Glenda), Benedict Cua (bilang Benny) at Faith da Silva as Agatha.

Under Mark Sicat dela Cruz’s direction, napanonood ito right after 24 Oras.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …