Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darren Espanto, swak bilang latest Beautederm ambassador

SWAK bilang latest Beautederm ambassador ang magaling na singer na si Darren Espanto. Base sa FB post ng Beautederm CEO and owner na si Ms. Rhea Tan, masaya niyang inianunsiyo ang pagiging parte na ng Beautederm family ni Darren.

“D total Performer Darren Espanto joins our Beautéderm Fam…

“Nadagdagan mga anak ko Welcome nak! Darren Espanto #BeautédermAmbassador.

“The youngest Beautéderm Brand Ambassador”

Matagal na naming naririnig ang negotiations nina Ms. Rhea sa kampo ni Darren at salamat naman dahil finally nga ay natuloy din ito. Bagay na bagay kasi si Darren sa Beautederm family dahil sa hatak niya sa mga bagets at pati sa mall shows na madalas ginagawa ng nasabing kompanya ng lady boss nitong si Ms. Rhea.

Kumuha si Ms. Rhea ng singer na effective mag-promote at magbigay saya sa mga event ng kompanya. Posibleng kantahin din ni Darren ang theme song ng naturang produkto. Nasabi nga ni Ms. Rhea na malaki ang maitutulong ni Darren para mas makilala ng mga kabataan ang Beautederm at mahikayat na gumamit ng naturang produkto na napaka-effective naman talaga. At the same time, para mas ma-reach ng Beautederm ang millennial market.

Balita namin ay gusto rin ni Ms. Rhea na maging ambassadors ng Beautederm sina John Lloyd Cruz, Liza Soberano, Kathryn Bernardo, at Maine Mendoza.

Samantala, congrats kina Ms. Rhea at sa husband and wife tandem nina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens sa matagumpay na Grand Opening kahapon (Sunday) ng Skinfrolic by Beautederm located sa 3rd floor ng Ayala Malls Manila Bay. Ang unang store nila ay nasa 63 President Ave., BF Homes, Parañaque.

Kabilang sa Beautederm endorsers na present sa naturang event sina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Ejay Falcon, Pauline Mendoza, Alma Concepcion, Kitkat, Jestoni Alarcon, at marami pang iba.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …