Saturday , May 17 2025

Sheryn Regis, naiyak pa rin habang pinag-uusapan ang namayapang ama

UMAAGOS ang luha ni Sheryn Regis habang nagkukuwento tungkol sa pagpanaw kamakailan ng kanyang amang si Bernardo Regis sa sakit na liver cancer.

Guys, it’s really…I don’t know, it’s a tough year for me, if you’ll ask me, ‘Do you have a happy new year?’

“Nada. Because January 1st, iyon ‘yung time na hindi na talaga okay si Papa, January 3rd he died.

“It’s crazy because I really wanted him to wait for me to be back on January 7, but hirap na siya eh, I just let him go.

“Hindi ko alam, kasi pumunta lang ako rito last December 7 till 16 ha, then paglapag na paglapag ko ng Houston, December 17, sabi ng Mama ko, ‘Yung Papa mo ano na, parang nag-collapse.’

So sabi ko, ‘Dalhin mo na sa ospital’, ganyan-ganyan.

“Just for that span of like…hindi pa umabot ng one month, agad-agad.

“Ngayon ko lang na-feel, it’s really hard na mawalan ng parent. My Papa…galing din sa kanya ‘yung boses ko, nakuha ko ‘yung boses ko kay Papa.

Every time na nagso-show ako rito sa Pilipinas siya ‘yung pinaka-unang napaka-excited talaga at ‘pag pinipigilan ko ‘yung boses ko, sasabihin niya, ‘Huwag kang magpigil baka mapaos ka.’

“Competitive rin ‘yun eh, ‘yung Papa ko tahimik na stage father. At saka napi-feel ko ngayon na alam mo ba ang dami kong guestings, dami kong ginagawa, pero randomly at night umiiyak ako, kaya lang minsan itinatago ko lang kasi ayokong magka-eyebags ng sobra, pero ang sakit eh.

“I love my Dad, na hindi ko nasabi sa kanya always na sobra ‘yung pagmamahal ko sa kanya, kasi sa family kasi namin hindi kami masyadong nag-a-I love you, pero maaano kami… you know, the usual Filipino na hindi masyadong ano, pero close ako kay Papa ko.

“And I still remember when I was a kid he used to kiss me sa lips, sabi niya, ‘You be a singer, it’s fine.’

“He was an OFW working for ushe’s not really a perfect dad, really not a perfect dad, pero nakita ko ‘yung support niya sa akin the moment nag-18 years old ako, the moment I decided to have a partner in life, he was with me all the time.

“Kahit nasa apartment ako or nasa bahay ako, kasama ko lagi si Papa.

“He’s a good dad kasi lagi niyang kasama mama ko, to protect me and to support me in many, many ways, especially in my career.”

Bago siya umalis ng Amerika, may nabilin ba or nasabi kay Sheryn ang ama niya?

Lagi lang siyang ano, because noong nasa ospital siya sobra niyang… hindi na siya makapagsalita because he had a stroke pala, so biglang gusto niyang magsalita, tawag lang siya ng tawag ng pangalan ko even though nahihirapan siya.

“So alam kong parang ano… siguro nag-aano siya na, ‘Ang laki na ng gastos mo,’ or something like that. Sabi ko, ‘Pa, no, nandito ako, I’m working for you guys.’

”Sabi ko, ‘Huwag kang ano, gusto ko lang gumaling ka,’ ganoon, kasi ang iba kasi sa atin na Filipino ‘di ba, ‘yung tatay natin nagtitimpi kasi ang akala nila pabigat sa anak, hindi eh.

“Kahit hindi na sila nagtrabaho, ako promise ko ‘yan noong maliit ako, na igagapang ko sa hirap ‘yung parents ko, kasi mayroon tayong iba’t ibang klaseng parents, sila ‘yung support lang lagi, hands-on sa akin, hindi sila nagtatrabaho pero I promised them I will work for them.”

At siguradong sa February 28 ay panonoorin at ipagmamalaki si Sheryn ng ama niya habang nagko-concert.Homecoming concert ni Sheryn ang Back To Love na gaganapin sa February 28 sa Music Museum.

Yes, actually sabi pa nga… ‘yung last na sabi niya, ‘Uy goodluck sa February 28, tuloy ba ‘yun?’

“Sobrang excited niya kasi homecoming ko nga, pero hindi naman niya naabutan, eh. He just turned 68 last December 26, kaya kaka-68 lang niya.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *