Saturday , November 23 2024

Senior citizens, PWDs tanggap na sa fast food resto at supermarkets

MAAARI nang makapagtrabaho ang ilang senior citizens at persons with disability (PWDs) sa ilang fast food restaurant at supermarket sa Lungsod ng Maynila.

Lumagda si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng kasunduan kasama ang food companies na KFC at Tokyo Tokyo, at maging sa supermarket na Puregold para magbukas ng bakanteng trabaho sa senior citizens at PWDs.

Dahil dito, tatanggap ang dalawang food companies ang ilang senior citizens at PWDs para magtrabaho sa lahat ng kanilang branch sa lungsod.

Kukuha rin ang supermarket chain ng 48 senior citizens at PWDs para sa kanilang 24 stores sa buong Maynila.

Lubos na nagpapasalamat ang alkalke sa mga nasabing kompanya.

Muling inihayag ng alkalde ang kahalagahan ng equal employment programs.

“Malaking bagay ito for our seniors and PWDs and of course, more jobs for Manila,” ani Mayor Isko.

Binanggit ng alkalde ang inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa promosyon ng equality at fair access para sa mga oportunidad.

“Inclusive policy — that is our goal. Those who are still capable and those who have less opportunities because of their physical challenges must still be able to join the workforce,” dagdag ng alkalde.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *