SABI, ang langaw kapag nakatuntong sa kalabaw dinadaig pa ang kanyang tinutuntungan.
May isa pang kasabihan: Ang langaw talagang ganyan, laging naghahanap ng taeng (eskyus me po) makakapitan.
Hik hik hik!
Kaya hindi na tayo nagtataka kung mayroong isang tawagin na lang natin sa alyas na Dogi-Dogi, na sinasabing aso as in asungot ng isang Airport official, ang nagpupulis-pulisan para manindak ng mga tahimik at parehas na naghahanapbuhay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Dinaig pa raw nitong si Dogi-Dogi ang kanyang among tunay na opisyal ng NAIA sa panghihingi ng ‘tara’ mula sa mga solicitor.
Kapag hindi nagbigay, parang lespu na nanghuhuli ng mga hindi nagtatara sa kanya mula terminal 1, 2 & 3.
Wattafak!
“Ang sarap manapak!” Sabi nga ng mga tinatarahan niyang solicitors. Take note lang po GM Ed Monreal, mayroon siyang daily at weekly collections.
Uy dinaig pa ang APD chief?!
Marami tuloy ang nagtatanong, pulsi ba ‘yang si Dogi-Dogi?
E ang lakas manghingi ng tara?!
GM Ed Monreal, alam ba ninyong mas sikat pa sa inyo ‘yang si Dogi-Dogi dahil sa lakas sumikwat ng tara sa mga solicitor?!
Tsk tsk tsk…
Pakikalos na nga po, GM Ed Monreal.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap