Thursday , December 26 2024

Myrtle Sarrosa, napaiyak sa kuwento ng mga inang naulila sa Mamasapano massacre

HINDI naitago ni Myrtle Sarrosa ang kalungkutan at pakikisimpatya sa mga nanay na naulila bunsod ng naganap na Mamasapano massacre limang taon na ang nakali­lipas. Ang nasabing insidente sa Mamasapano na nangyari noong January 25, 2015 ay gagawing pelikula ng Borracho Film Production titled 26 Hours: Escape From Mamasapano.

Matatandaang 44 members ng SAF (Special Action Forces) ang nasawi matapos magsagawa ng operation sa mga teroristang sina Zulkifli Abdhir (Marwan) at Abdul Basit Usman. Napatay dito si Marwan at nakatakas naman si Usman.

Pahayag ni Myrtle, “Sa totoo lang, hirap na hirap talaga ako ngayon magsalita. Kasi before nag-umpisa ‘yung presscon, nakakausap ko ‘yung iba’t ibang pamilya, sila ‘yung naiwanan. Mga kamag-anak talaga nila ‘yung namatay five years ago and since five years ago up until now, they just want justice.

“So, noong naririnig ko ‘yung mga kuwento nila, naiiyak talaga ako, kasi parang nararam­daman ko e, how it feels to lose someone. And up until now, they’re still asking for justice. So ‘yung character ko plays such an important role to give these families the justice that they want. And I’m hoping na with this opportunity, I could do my best.”

Kasama ang ilang mga nanay ng member ng SAF44 sa ginanap na presscon nito last week. Dito’y iisa lang ang hangad ng mga tumatangis na magulang, ang makamit ang hustisya para sa kanilang mga anak na nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Pahayag ng PBB Teen Edition 4 Big Winner, “When I found out about the project a few days ago, I told them na I really wanna do this project kasi it’s been five years simula nang nangyari sa SAF44 and I personally want to remember ‘yung lahat ng sacrifices na ginawa nila, para sa atin, para sa bansa.

“And ayaw ko lang mabalewala ang mga buhay nila, they sacrificed a lot for us. And ‘yung families nila, hanggang ngayon ang dami pa ring pinagdaraanan, hanggang ngayon naiiyak pa rin dito habang inaalala natin on their fifth anniversary ang mga pangyayari,” seryosong pahayag ng aktres.

Dagdag ni Myrtle, “Para sa akin lang, to have this opportunity to let them know na we still remember them, that’s all I want to do kaya thank you very much for having me at this movie.

“We’ll try our best to give justice and to tell the story na walang dagdag, walang bawas, just base on what we know. And as an actress, I will do my best to portray the character given to me, properly. And thank you po talaga sa families natin na nandirito sa pagkukuwento po sa amin and for giving time for this. Thank you.”

Esplika naman ni Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga nasa likod ng Borracho Film Production, “Limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga pamilya ng mga nasawi. Gusto rin naming manatili ito sa national consciousness. Ang mga nanay din ng mga nasawi ang lumapit sa akin para gawan namin ito ng pelikula. At malambot ang puso ko basta nanay na ang humi­ngi ng tulong sa akin.”

Si Atty. Topacio rin ang abogado ng mga magulang ng SAF44 na nagsampa ng reklamong 44 counts ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide sa Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III at ang mga heneral na sina Alan Purisima at Getulio Napenas, na nagplano at nagsagawa ng Oplan: Exodus na nagresulta ng pagkamatay ng SAF44.

Ang sumusulat ng script ay si Eric Ramos at ito’y pamamahalaan ni Direk Lawrence Fajardo.

Bukod kay Myrtle, gaganap ng mahaha­lagang papel sa 26 Hours: Escape From Mamasa­pano sina Edu Manzano at Ritz Azul. Umaasa rin si Atty. Topacio na magiging bahagi ng pelikula ang premyadong actor na si Arjo Atayde bilang isa sa lead stars nito.

Si dating Heneral Benjamin Magalong, na ngayo’y mayor ng Baguio City at siyang nagsagawa ng imbestigasyon sa insidente noong hepe pa ng Criminal Investigation and Detection Group ang papel na gagampanan ni Edu.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *