TUNGHAYAN sa Magpakailanman ang episode na Dapat Ba Kitang Mahalin? tampok ang Kapuso actors na sina Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Rey PJ Abellana, Francine Prieto, Bryce Eusebio, at Rein Adriano.
Kuwento ito ng magkapatid na Jerome (Edgar Allan) at Jasmine (Shaira) na malapit sa bawat isa hanggang dumating ang panahon na iba na ang nararamdaman ni Jerome para sa kapatid… umiibig na ito kay Jasmine!
Alam niyang mali kaya pilit itong ipinaglaban ni Jerome. Hanggang sa dumating ang sandali na matutulakasan ni Jerome na siya pala ay isang… ampon!
Sa direksiyon ni Jorron Monroy, script ni Vienuel Ello at research ni Loi Argel Nova, mapapanood ang naturang MPK episode ngayong Sabado, February 1 sa GMA.
Rated R
ni Rommel Gonzales