Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“House of Kobe” sa Vale alaala ni Black Mamba

MANANATILING buhay ang mga alaala ng Black Mamba na si Kobe Bryant sa lungsod ng Valenzuela dahil sa binuong “House of Kobe” na makikita sa Barangay Karuhatan, ibinalita ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Isang tragic death ang biglang pagkawala ni NBA Legend Kobe Bryant, kasama ang 13-anyos anak na babae at pitong iba pa sa isang helicopter crash noong Lunes sa Calabasas City sa Los Angeles.

Maraming NBA fan at supporter, partikular ang mga Pinoy ang nagbigay ng pagkilala sa mga naiwan ng kiniki­lalang greatest basketball players of all time.

“Malaking bagay ang pagkakaroon ng House of Kobe dahil maraming nagmamahal sa sikat na Black Mamba na si Kobe Bryant at dito nila muling makikita at masisilayan ang kanilang NBA Legend na hindi mawa­wala at patuloy na gugu­nitain,”  ayon kay Valen­zuela Mayor Rex Gatcha­lian.

Makikita sa House of Kobe, ang malalaking mural ni Kobe Bryant sa pader na ipininta ng mga grupo ng painter bilang paggunita sa yumaong sikat na basket­bolis­ta, Lakers memorabilia, kabilang ang T-shirt na isinabit sa side railings, mga larawan ng team mates ni Bryant at ang iba pang NBA Hall of Famer.

Pinaboran ni Valen­zuela City 2nd District Representative Eric Martinez, committee chair on youth and sports development, ang programa bilang pagki­lala sa Black Mamba, at inamin na na isa rin siya sa sumusuporta sa pu­ma­naw na NBA legend.

May temang, “Heroes come and go but legends are forever,” na hindi kaalanman malilimutan ang mga naiambag sa larangan ng palakasan ni Kobe.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …