Friday , December 27 2024

Marcelito, na-depress, na-feel ang pagkalaos

AMINADO si Marcelito Pomoy na dumating siya sa puntong parang gumuho na ang mundo niya. Ito ang mga panahong feeling niya’y wala na siyang career. Laos na siya.

Pero dahil sa America’s Got Talent: The Champions nabago ang pananaw niya sa buhay.

Sa pakikipag-usap namin sa kanya sa thanksgiving party ng Macbeth, gumagawa ng footwear, apparel, at accessories na ginanap sa Elements, Centris, Quezon Ave kamakailan, inamin nitong dumaan siya sa depresyon.

“Marami na po kasing bagong singer noon. Every year po, maraming pumapalit. Kaya parang gumuho na iyong mundo ko,” pag-amin ni Marcelito.

Nabago lang muli ang pagtingin niya sa buhay nang nakatanggap ang asawa niyang si Joan last February 2019 ng tawag mula sa AGT na nag-aalok na mag-audition ni Marcelito.

Pero bago pa pala ang tawag, inalok na noon pa si Marcelito sa AGT hindi lang siya tumugon dahil sa isang ordinary at hindi sa Champions edition siya inilalagay.

“Ayaw kong sumali. Kasi, sabi ko, kung natalo ako, ano iyong pangalan ko rito sa Pilipinas?’ Champion ako, ‘tapos tatalunin na parang ordinary lang? Kaya sinabi nila na, ‘Sige, roon ka sa Champions edition. Nanalo ka naman pala sa Pilipinas.’

“So, iyong mga nanalo sa ibang lugar, naglaban-laban noong October, at isa ako sa Pilipinas na nakuha.”

Ayon sa kuwento ni Marcelito, kinausap siya ni Howiee Mandel na galing na galing sa kanya. “Off cam po, kinausap ako ni Howie, sabi niya, ‘Napakagaling mo. You’re the best singer.’

Hindi naman siya kinausap ni Simon Cowell. “Medyo ano si Simon, strict siya.”

Ikinuwento ni Marcelito na sa last week ng January o second week ng February ang balik niya sa AGT na sasalang siya sa semifinal round at  20 silang maglalaban-laban at ang 10 sa kanila ay matatanggal.

Ani Marcelito, parang bumalik siya sa umpisa, “Kumbaga, mas malala ito kaysa unang sinalihan ko na ‘Pilipinas Got Talent.’ Kasi, international ito.”

Hindi naman siya makapaniwala na muli niyang nakuha ang simpatya ng publiko maging ng mga taga-ibang bansa.

“Nagulat ako nang sabihin sa akin na trending ako. Kasi pinag-uusapan  ako. So, sobrang blessed po talaga ako.”

Hindi naman siya naghinanakit na may panahong binelewala siya ng ilang tao.

“Nagpapasalamat ako sa asawa na siya ang gumawa ng paraan. Ganoon din sa ABS-CBN, kasi sa kanila ako nanggaling at nakilala,” dagdag pa ng magaling na singer.

Hirit pa ni Marcelito, “Hindi ko hinangad na maging sobrang sikat pa. Tama na ako sa ganito.”

Samantala, nakausap namin ang marketing head ng MacBeth na si Rhome Yu at nalaman naming pitong taon na ang kanilang produkto sa merkado.

Aniya, nagsimula ang MacBeth sa US at mga musician ang founder nito kaya mga musikero rin ang endorsers.

“Lahat ng marketing namin is really focused on the music scene and the arts scene,” ani Rhome na ngayo’y may 130 department store outlets na ang kanilang MacBeth at 13 boutique.

At ngayong 2020, mag-e-expand na sila nationwide na magkakaroon sila ng boutique sa General Santos at 50 outlets sa iba’t ibang malls.

Matagumpay naman at star-studded ang ginanap na MacBeth thanksgiving party dahil bukod kay Marcelito, dumalo rin sina Randy Santiago, Alvin Patrimonio, mag-amang Benjie at Andre Paras, Bayani Agbayani, Marc Pingris, Kim de Leon, Jeremiah Tiangco, Anthony Rosaldo, at iba pa.

Naroon din ang bandang endorser ng kanilang produkto, ang Chocolate Factory at iba pang banda na kanilang binibihisan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *