Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, mas pinahalagahan ang respeto over love

GRATEFUL si Sunshine Cruz na makasama sa bagong teleseryeng handog ng Dreamscape Entertainment, ang Love Thy Woman na mapapanood simula Pebrero 10 sa ABS-CBN 2.

Gagampanan ni Sunshine ang ina ni Kim Chiu, ang 2nd family ni Christopher de Leon. Ito’y ukol sa isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ng amang si Adam (Christopher) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyang pamilya– ang unang asawang si Lucy (Eula Valdez) at anak nilang si Dana (Yam Concepcion), at ang pangalawang asawang si Kai (Sunshine) at anak niya ritong si Jia (Kim).

Bale first time ito ni Sunshine sa Dreamscape Entertainment at aminado siyang sobrang na-challenge at kinabahan sa proyektong ito dahil pawang magagaling ang mga kasama niya. ”I’m very happy to be part of Love Thy Woman,” aniya.

Samantala, iginiit naman ni Sunshine na pinaka-importante sa kanya ang respeto. Ito ay bilang sagot sa katanungang how did you expect your man to love you?

“Para sa akin kaming mga kababaihan pinaka-importante ang respeto more than love. Kasi kahit gaano mo kamahal ang babae kung hindi mo naman nirerespeto, nawawala ang pagmamahal.

“Importante rin ang open communication. And tama ‘yung sinabi ni Ruffa (Gutierrez) kasi sa edad namin hindi na bagay ang masyadong clingy, hindi na dapat nagiging dependent sa mga lalaki bilang mga single mom kami.

“Ang importante sa amin number one ang trabaho at ang aming mga anak,” esplika ni Sunshine.

Ang Love Thy Woman ay idinirehe nina Jeffrey JeturianAndoy Ranay, at Jerry Lopez Sineneng. Mapapanood din dito sina Jana Victoria, Jennifer Sevilla, Chienna Filomena, China Yoo, David Chua, Shido Roxas, Tim Yap, Kimberly Tan, Mari Kaimo, Tori Garcia, Turs Daza, at Karl Gabriel.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …