Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christian at Kat, na-enjoy ang South Africa

GANDANG-GANDA si Christian Bautista sa South Africa na roon sila nag-honeymoon ng misis niyang si Kat Ramnani kamakailan.

“South Africa is really a very nice place to visit, makikita mo ‘yung animals, ‘yung nature, ‘yung scenery.

“Pero ang pinakaimportante ‘yung time with my wife, kasi may mga area doon na mahina ang wi-fi, walang signal.”

Kaya talagang nakapag-bonding silang mag-asawa.

“Kayo lang talaga ‘yung mag-uusap, magbabasa kayo ng libro, kain.”

Ano ang mga pinuntahan nila sa South Africa?

“Pumunta kami sa Zimbabwe, nakita namin ‘yung Victoria Falls, iyon ‘yung choice ko kasi nababasa ko lang ‘yun sa libro eh, nababasa ko lang sa high school books, tapos doon nakita ko talaga napaka-amazing, napaka-amazing!

“And pumunta rin kami sa Cape Town and sa Franschhoek, ang daming makikita roon, may mga wine land, mayroong mountains, may park, may animals and food, so ‘yun.”

Nakatatakot ba ang mga wild animals o hindi naman?

“Medyo.

“Yung ano, may elephant kasi na parang akala niya susugurin namin ‘yung anak niya, so una parang tinitingnan-tingnan niya kami biglang sumisigaw na siya, tapos ‘yung tenga niya parang lumalaki, tapos lumalapit na.”

Ano ang ginawa nila?

“Naka-kotse naman kami so, ‘Okay alis na tayo,’ ‘yung guide namin.”

Buti hindi sila hinabol ng elepante?

“Buti na lang po.”

Guest si Christian sa blessing ng Smilee Apparel (clothing line), ang bagong negosyo sa Binondo na binuksan ng pamilya ni Lloyd Lee at asawa ni Lloyd na si 2011 Ms. Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup.

Kaibigan ni Christian si Shamcey.

“Yes, oo, we got to know each other noong nag-release ako ng album before, we were part of a music video together and after that we became friends.

“In-invite niya ako sa wedding niya to sing, and then ninong na ako ng anak niya, ni Nathan, and they told me nga na may opening sila rito, so sabi ko, ‘Of course, of course’, anything I could do to help.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …