UNANG pelikula ni Ariella ‘Ara’ Arida ang Coming Home na pagbibidahan nina Sylvia Sanchez at Sen. Jinggoy Estrada pero hindi niya alintanang isang other woman ang gagampanan niya.
Anang dating beauty queen, ”It’s such an honor for me na makasama ang ating mga batikang aktor at aktres. Kaya I’m so excited na masimulan na po itong movie kasi mayroon siyang magandang story na maaantig ang ating mga puso.”
Hindi rin problema kay Ara kung may halikan o lovescene sila ni Jinggoy. Game siyang gawin ito.
Aniya, ”Mayroon nga po, pero I guess part talaga ito ng movie. Kung maayos ang tema, kung ano ang sabihin ni Direk Adolf, gagawin ko lang.”
“Direk Adolf. Hahahaha!” hirit naman ni Jinggoy kay Direk Adolf Alix, ang kanilang direktor. ”Habaan ang take ha!”
Bukod kina Sylvia at Ara, kasama rin sa pelikula ang kapatid ni Jinggoy na si Jake Ejercito at anak na si Julian Estrada gayundin sina Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Smokey Manoloto, Almira Muhluch at marami pang iba.
Ang Coming Home ay nakatakdang ipasa para sa Summer Metro Manila Film Festival 2020 na magaganap sa Abril.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio