HINDI itinago ni Jake Ejercito ang excitement at kaba sa unang pagsabak niya sa acting sa pamamagitan ng Coming Home, comeback movie ni dating senador Jinggoy Estrada katambal si Sylvia Sanchez, mula sa Maverick Films.
Sa pakikipag-usap namin kay Jake, aminado itong medyo reluctant pa siya na sumabak sa pag-arte. Katunayan, isa siya sa pinakahuling napapayag nina Arnold Vegafria, line producer at ng kapatid niyang si Jinggoy.
“Nang ipinakita nila sa akin ang script at in-explain ‘yung role ko sa movie, napapayag ako. At I will try my best na kayanin ‘yung hinihingi sa akin ng role ko,” ani Jake.
Ayaw mang i-elaborate ni Jake ang dahilan ng pagpayag niya na may kaugnayan sa istorya, sinabi nitong may magandang mangyayari at mabigat na twist sa karakter na gagampanan niya. ”Basically more on drama itong pelikula na may comedy din. And sinabi naman ni Kuya na ipapa-workshop niya ako, and I’m counting on that.”
Naikuwento ni Jake na naikuwento niya sa kanyang anak na si Ellie ang ukol sa una niyang pagsabak sa acting at ayaw daw nitong maniwala. ”Feeling ko akala niya nagjo-joke ako, ha ha ha. In passing lang kasi ‘yung pagkuwento ko sa kanya kaya ang reaction niya parang wala, wala siyang reaction. Kaya feeling ko hindi niya ako pinaniwalaan,” anang kapatid ni Jinggoy na posibleng ikinagulat ng anak ang ibinalita niya dahil first time nga namang sasabak sa pag-arte bukod sa paglabas noon sa AlDub.
Thankful si Jake at hindi niya isinasara ang pintuan sa pag-aartista. ”Buti na lang nakilala ko si Sir Arnold and binigyan ako ng opportunities. I think marami pa akong kakaining bigas in terms of acting.
“No expectations naman, I just want to do well and sana hindi ko mabigo ‘yung expectations ng mga tao,” sambit pa ni Jake na posibleng ituloy ang pag-aartista kapag naging okey ang pagtanggap sa kanya ng publiko.
“Siyempre malaking factor ang feedback ng mga tao and titingnan ko kung how well I can give justice to the role and ‘yun nga sinasabi nila nasa dugo namin ang pag-aartista. And so far kasi ‘yung mga project ano eh, parang once a year ko lang ginawa before. Hindi consistent kaya I think medyo nahihirapan ako. But we will see. Sana lang may namana ako (galing sa pag-arte). I guess I have to dig deep para lumabas ang pagiging artista ko talaga,” paliwanag pa ni Jake na fan pala ni River Phoenix pero hindi naman niya pinapangarap na maging katulad siya ng Hollywood actor.
Ellie, okey lang mag-artista
Samantala, naikuwento ni Jake na nagpapakita ng interes ang kanyang anak sa showbiz.
“So far kasi gumagawa siya ng ads and maraming magazine covers and comfortable siya in front of the camera. And kung gusto niyang mag-artista, susuportahan ko siya at kung ano man ang gusto niya.”
May iskedyul silang sinusunod ni Andi Eigenmann, ina ng kanyang anak, kung kanino mag-stay ang kanilang anak. At habang nasa Siargao ang aktres, nasa kanya si Ellie.
More on barkada naman kung i-elaborate ni Jake ang relasyon nilang mag-ama. ”I’m only 21 when Ellie was born kaya maliit lang ang age gap. Parang more on barkada kami ni Ellie. She just turned 8, hindi na siya baby, dalagita na. Kaya lumalabas na unti-unti ang challenges being a dad.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio