Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Thea at Mikoy, friends pa rin kahit hiwalay na

NAKALULUNGKOT dahil hiwalay na sina Thea Tolentino at Mikoy Morales!

Si Thea mismo ang nagkompirma nito.

“Wala na po kami, pero okay po kami. Friends po kami,” pahayag ni Thea.

Mutual ang desisyon ng paghihiwalay nila, limang taon ang kanilang naging relasyon.

Dalawang linggo pa lang silang break; baka may chance pang magkabalikan sila?

“Hmmm… kung may chance po, matagal-tagal, kasi hindi rin po makabubuti sa amin.

“This time, ‘yung breakup namin is for our growth, at saka masyado rin akong naging dependent sa kanya,” ani Thea.

Ayon pa sa Kapuso actress, ”Hindi po kami nag-away, as in okay kami.

“Naramdaman po namin parehas.

“Siyempre po, nalungkot ako, kasi sobrang laki ng parte ng everyday life ko na nandiyan siya.

“Pero mas happy din naman ako ngayon kasi natututo akong mag-depend sa sarili ko. Natututuhan ko na, ‘Ay, kaya ko pala ito!”

“Naging dependent ako sa kanya emotionally, when it comes to my decision.

“Parang masyado kong gustong malaman ang approval niya na, feeling ko, ‘yung tama sa kanya, ‘yun pala ang tama.

“Mababa ang self-esteem ko.”

Taong 2013 naging mag-on ang dalawa, nag-break noong 2017, at nagkabalikan noong 2018.

“Mahal po namin ‘yung isa’t isa nang mag-break kami, pero at the same time, ganoon din namin kamahal ang sarili namin.”

Inamin ni Thea na pareho nilang iniyakan ni Mikoy ang recent break-up nila. At kahit hiwalay na sila ay best of friends pa rin sila. Hindi rin siya masasaktan kapag nagka-girlfriend na ng iba si Mikoy.

Work muna ang focus ni Thea na kontrabida sa Madrasta.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …