Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vin, tiyak na kamumuhian at hahangaan

INIS na inis kami kay Vin Abrenica pagkatapos mapanood ang one week episode ng bagong handog ng ABS-CBN, ang A Soldier’s Heart sa advance screening nito noong Huwebes ng gabi sa Gateway Cinema.

Ginagampanan ni Vin ang kapatid ni Gerald Anderson, si Elmer na may mataas na posisyon bilang sundalo at siyang magpapahirap at kakontrapelo ni Gerald. Napaka-intense ng kanyang role, kumbaga.

Tulad ng mga naunang teleserye ni Vin, muli, nagpakita ng galing sa pag-arte ang actor kaya naman ganoon na lamang ang pagkainis at pagkamuhi namin sa kanya. One week episode pa lang iyon pero kakaiba na ang ipinakita ng actor. Kaya naman tatawa-tawa ito sa amin nang makapanayam matapos mapanood sa A Soldier’s Heart.

Tuwang-tuwa naman si Vin sa reaksiyon naming at nagpasalamat. “Magaling ako roon bilang sundalo, isang lieutenant. I mean, hindi ako magaling sa pag-arte ha, magaling siya bilang karakter niya na sundalo, so hindi siya basta-basta maitutumba,” ani Vin na nanood ng napakaraming military movie para mapaghandaan ang role sa bagong teleserye.

“Nag-training din ako pero hindi katulad ng sa ibang kasama ko rito sa teleserye, sumailalim sila sa scout ranger crash course. Mayroon sila, three days. Pero ‘yung army training nakasama ako, two years ago, dire-diretso ‘yun, non-stop training. Hindi lang ako nakasama that time kasi may teleserye ako that time,” paliwanag ng actor.

Umaasa si Vin na hindi siya kontrabida hanggang sa matapos ang napapanahong serye.

Samantala, sobra-sobra naman ang pasasalamat ni Vin na pawang magagandang project ang ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network. Nariyan ang maganda rin niyang role sa Wild Flower gayundin sa MMK at Ipaglaban Mo.

“Very thankful, sobrang nag-iba ang buhay ko simula nang pumasok sa ABS-CBN. Noong nag-start ako hanggang sa ‘Wild Flower’ bale nasasabay na ang paggawa ko nitong ‘A Soldier’s Heart.’ ‘Wild Flower’ pa noon kinausap na ako ng EP namin at sinabi nga na kasama ako rito.  Iba pa ang casts noon, apat pa lang kami noon, sina Gerald, Elmo Magalona, at Yves Flores.

“Nag-pictorial na kami, naka-military outfit tapos dahan-dahan na nadaragdagan kami.

“So talagang excited na kami kasi ang tagal hindi at hinintay namin at sobrang pinaghirapan namin ito,” kuwento ni Vin.

Bale pito silang magigiting na sundalo na magpapamalas ng matatag na kapatiran at magpapatunay na hindi hadlang ang pagkakaiba para magturingang magkadugo.

Bukod kina Gerald at Vin, kasama rin sina Yves, Carlo Aquino, Nash Aguas, Jerome Ponce, at Elmo na may iba’t ibang rason sa pagpasok sa militar ngunit pinag­buklod ng iisang dahilan sa pagiging sundalo — ang ipagtanggol ang bayan.

Makakasama rin nila sa laban ang nag-iisang babae sa grupo, si Lourd (Sue Ramirez) na patutunayang hindi hadlang ang kasarian para makapaglingkod sa bayan.

Sama-sama nilang daraanan ang hirap, saya, at tagumpay ng pagiging sundalo na magpapalalim sa kanilang mabubuong kapatiran. Ngunit sa gitna ng kanilang pakikipagbakbakan, isa-isang lilitaw ang mga katotonahang taliwas sa kanilang paniniwala na siyang mag-iiwan ng mga katanungan kung dapat pa bang ipaglaban ang bayang pinaglilingkuran.

Isang napapa­na­hong serye ang A Soldier’s Heart sa pagtalakay nito sa mga suliranin ng mga sundalo, na itinuturing na makabagong mga bayani sa pag-aalay nila ng sarili para mapagsilbihan ang mga Filipino.

Kasama rin sa A Soldier’s Heart ang mga beteranong bituin na sina Ariel Rivera, Irma Adlawan, Raymond Bagatsing, Sid Lucero, Rommel Padilla, Mickey Ferriols, Nikki Valdez, at Ketchup Eusebio. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Richard Romes at sa panulat ni Jerry B. Gracio.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …