Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC at Bela, may bagong pakilig sa viewers

SUWERTE at nagki-klik lagi sa takilya ang tandem nina JC Santos at Bela Padilla kaya naman marami ang nagre-request na sundan ang mga pelikula nilang 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentine’s. Kaya naman ang On Vodka, Beers and Regrets ang bago nilang handog mula Viva Films.

Ang On Vodka, Beers and Regrets ay ukol kay Jane Pineda, isang dating child star at artistang malapit nang mawalan ng career. Sa kanyang sunod-sunod na failed auditions at sa kagustuhang makatakas sa isang malaking eskandalo, sa alak siya nakahanap ng kakampi. At sa isang lasing na pagkakataon sa bar, nakilala ni Jane si Francis, vocalist ng isang banda. Rito biglang nagbago ang lahat. Nakahanap din sa wakas si Jane ng kakampi at saya sa piling ni Francis. Para kay Francis, handa niyang mahalin si Jane anuman ang kanyang sitwasyon.

Noong January 3, 2020, nag-post ang Viva Films sa kanilang Facebook page ng teaser trailer para sa On Vodka, Beers and Regrets. At sa loob lang ng tatlong oras, mayroon na agad itong 900,000 views at halos 30,000 Facebook users na ang nag-share ng teaser. Makalipas ang 24 oras, umabot na sa 4 million views ang teaser trailer sa lahat ng social media plat­forms. Patunay lang na isa ito sa mga pinaka-aaba­ngang pelikula sa simula ng taon.

Ma­tu­tu­wa rin lalo ang mga fan dahil ang nagsulat at nagdirehe ng pelikulang ito ay walang iba kundi si Direk Irene Emma Villamor, na siyang nagdirehe ng mga box-office hits gaya ng Sid & Aya: Not A Love Story; Meet Me In St. Gallen; at Camp Sawi.

Isa pang nakadagdag ng excitement para sa pelikulang ito ay ang rising star ng Viva na si Raphiel Shannon, na siyang kumanta ng movie soundtrack na Mundo, ang smash hit ng bandang IV of Spades noong 2018.

Kaya maghanda na sa halo-halong feels ng kilig at heartbreak (ulit?!) na tanging sina JC at Bela lamang ang makapag­bibigay on-screen sa On Vodka, Beers and Regrets na mapapanood na sa Pebrero 5.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …