Saturday , November 23 2024

Malvar shooting, naapektuhan ng pagsabog ng Taal; 20,000 surgical mask, ipamamahagi

ITINIGIL muna ang location shooting para sa historical movie na Malvar, ang pelikula tungkol sa buhay ng bayaning si Heneral Miguel Malvar na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao.

Ito’y dahil na rin sa biglang pagputok ng Taal volcano. Ilan kasi sa mga lugar na pagsusyutingan ng Malvar ay ang Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal na direktang apektado ng pagsabog ng bulkan.

Ayon sa may-ari ng JMV Production na si Atty. Jose Malvar Villegas Jr., apo ni Heneral Miguel Malvar at founder ng Citizen Crime Watch (CCW) at ng Katipunan Kontra-Krimen at Koruption (KKK), kailangan muna nilang itigil ang location shooting sa ilang bahagi ng Calabarzon para sa kaligtasan na rin ng kanilang mga artista at staff.

Pero aniya, ang shooting nila sa Visayas ay tuloy-tuloy pa rin para hindi maantala ang pelikula na planong ilaban sa Metro Manila Film Festival 2020.

Kung matatandaan, 1911 naganap ang isa sa pinakamalakas na pagsabog ng Taal volcano na humigit-kumulang 1,135 ang namatay. Base sa mga ulat, si Heneral Malvar ang namuno sa relief operations upang tulungan ang mga nasalanta ng pagsabog, na noong mga taong iyon ay bumalik na ulit ang magiting na Hereral bilang isang pangkaraniwang mamamayan, pagkatapos ng Digmaang Filipino-Americano.

Ang pelikulang Malvar ang sinasabing magpapatingkad sa pagiging aktor ni Sen. Pacquiao na siyang gaganap bilang Hen. Malvar kasama ang isang all-star cast sa pamamahala na rin ni Camarines Sur Vice-Gov. Imelda Papin, Pangulo ng Actors Guild of the Philippines. Dito ipakikita ang kabayanihan ng mga bayani sa Visayas tulad ni Hen. Pantaleon Villegas, Graciano Lopez Jaena, Teresa Magbanua, Hen. Alcadio Maxilom, Hen. Aniceto Lacson, Hen. Juan Araneta, Hen. Mateo Luga, Hen. Gavino Sepulveda, Hen. Pantaleon Del Rosario, Col. Eugenio Daza, Hen. Vicente Lucban, Hen. Martin Delgado, Hen. Quintin Salas, Hen. Leandro Fullon, at Ramon Avencena.

Samantala, bilang pakikisimpatya sa mga kababayan nating nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal, mamimigay ang JMV Films ng 20,000 piraso ng surgical mask para magamit ng mga residente sa mga apektadong lugar.

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *