MULING kinilala ang husay ni Direk Romm Burlat nang manalo siyang Best Director sa 16th We Care International Film Festival sa New Delhi, India para sa pelikulang Ama Ka Ng Anak Mo. Ito ang kanyang 7th international award. Bago ang pagkilala sa kanya sa 16th We Care International Film Festival, anim sa kanyang pelikula, namely Cuckoo, Beki’t Ako, Akay, Sindi, at Ama Ka Ng Anak ang naging finalists sa international film festivals.
Ipinahayag niya ang kagalakan sa bagong recognition. “Sobrang happy. The night when I was informed I won hindi na ako nakatulog hanggang kinabukasan. Tinanong ko sarili ko: magaling na ba ako? Isn’t this too early? The festival is participated by at least 30 countries at sino’ng mag-aakala na akong pipiliin?”
Kailan ginanap ang award’s night?
“Next month pa but they already sent me the award certificate. If the plane fare is free, I am flying to New Delhi for the awards night. Ang 17th edition ng filmfest ay dito gaganapin sa atin.”
Nagbigay siya ng kaunting background sa kanyang winning film. “Si Bidaman finalist Ron Macapagal ang lead dito. He is an autistic adult na inabandona ng kanyang ama pero siya ang nakapagbuo ulit ng kanilang pamilya. It’s a family drama. Other cast ay sina Kimber Lee, Samuel Silacan and Sandara Ford. This was shot in Mindanao,” pahayag ni Direk Romm.
Bukod sa pagiging director, si Direk Romm ay isa ring aktor, talent manager at isang online TV Host. Pitong beses na siyang nanalong Best Director, nanalo na rin siyang Best Actor, Best Supporting Actor, Best Talent Manager, at Best TV Talk Show Host.
Sa kasalukuyan ay ginagawa niya ang pelikulang Ban-Uk, Venus in my Mind, That Silver Lining, at ang And I Loved Her.
Dapat din abangan ang movie nilang Bakit Nasa Huli Ang Simula na first starring role ng beauty queen-turned actress na si Ms. Faye Tangonan, with William Martinez, Lance Raymundo, Ron Macapagal, Lester Paul, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio