Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dianne Medina, kayang patawarin si Rodjun Cruz kahit mangaliwa

HATAW pa rin sa trabaho si Dianne Medina kahit kakakasal lang nila ni Rodjun Cruz less than four weeks ago. Sa katuna­yan, isang araw lang daw nagpahinga ang TV host/aktres, tapos ay sumabak na siya agad sa work.

“Right after the wedding, nag-rest lang kami ng one day, tapos ay back to work agad. Sayang po kasi ‘yung opportunity, sobrang dami po kasi ng gastos talaga. So I think we’re gonna save-up first before honeymoon, so back to work muna talaga,” sambit niya.

Ayon kay Dianne, cash ang ibinayad nila sa kanilang mala-mansion na tahanan dahil ayaw daw niya ang may utang. Kaya malaki talaga ang ginastos nila rito, plus pa ang nagasta nila sa kanilang kasal.

Nabanggit ni Dianne na gusto niyang sumabak din sa teleserye kung bibigyan ng chance.

Sa ngayon ay aminadong nag-a-adjust pa si Dianne sa buhay may asawa dahil ang father niya raw ang nagpo-provide sa lahat ng kailangan niya noon. Pati sa pagluluto ay hindi siya marunong, pero desidido siyang matutuhan ito para sa kanyang mister.

Anong klaseng asawa ba si Rodjun? Tugon ni Dianne, “Naku, super-bait ni Rodjun, very generous, very kind. Never naman siyang nagbago kung paano kami nagkakilala right from the very start, mabait po talaga siya. Kilala rin naman ninyo siya, very religious talaga.”

Anong magagawa niya para makipaghiwalay ka sa kanya? Paano kung mambabae siya?’ Banat na tanong ng isang katoto sa panulat.

Tumawa muna si Dianne, bago sumagot, “Hahaha! I don’t think na mangyayari ‘yon, even if magkaroon ng mistake… I hope ‘di naman niya gagawin, pero kung magkaroon man, I would still choose to forgive and accept him because alam n’yo naman kung may mangyari, I would still love him more than his mistakes and failures in life. Because for me, love is still greater than his mistakes. Hindi naman niya gagawin ‘yun (mambabae), but kunwari man, siyempre… ang hirap, hahaha! Pero oo naman, papatawarin ko.”

Nakapanayam namin si Dianne sa nakapa-succesful at bonggang Mannix Carancho Artist & Talent Management at Prestige International Unstoppable 2020 party na ginanap sa Okada Grand Ballroom na tampok si Piolo Pascual, at iba pang celebrity.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …