Friday , December 27 2024

SB19 sa kasikatang tinatamasa — Sobrang overwhelm, ‘di namin ine-expect

TAONG 2018 inilunsad ang grupong SB19, kauna-unahang Pinoy K-Pop group na tinitilian ngayon ng millennials, sa pamamagitan ng kanilang single na Tilaluha at July 2019 naman sila pormal na inilunsad kasabay ang second single na Go Up. Pero napakabilis ng kanilang pagsikat at pag-arangkada hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng universe.

Sila ang kauna-unahang Filipino act na nakapasok sa Billboard Social 50. Tinalo nila ang ilan sa mga sikat na performers abroad tulad ng all-female Korean group na BlackPink.

Ang Billboard Social 50 ay isang weekly ranking of the most active artists on the world’s leading social networking sites. Ibig sabihin,  world-class na ang SB19.

At last week, inilunsad naman ang bago nilang single, ang Alab gayundin ang MTV nito na umabot kaagad sa 500,000 views sa Youtube na hindi sila makapaniwala dahil halos 24 oras palang itong na-upload.

Sabi nga ni Justin nang matanong sila ukol sa kung ano ang na-feel nila sa sunod-sunod na tagumpay, “Very thankful kasi hindi po mangyayari lahat ‘to kapag hindi po sila nag-support from the start. Until now they’re trying to introduce us to other people parang ‘yung friends nila, ‘yung family, talaga ipinakikilala nila.”

Ayon kay Robin Geong o Tatang Robin, CEO ng ShowBT Philippines na magkakaroon ng mas maraming concerts sa buong Pilipinas at hopefully sa ibang bansa ang SB18.

Sa Alab, may kanya-kantang kulay sina Sejun, Stell, Josh, Ken, at Justin bilang tanda ng pagkakakilalanlan sa kanila.

Pula ang pinili ni Josh na ipinakikita ang mga pulang tali sa paligid habang kumakanta. Aniya, “Ako ‘yung tao na dominant ‘yung personality. I don’t want anything to control me pero by falling in love, parang nako-control po ako niyong kung sino man or kanino ako nai-in love.”

Itim naman naman ang kay Ken habang nasa loob siya ng box na babasagin.”The box represents my comfort zone. Kasi may character din po ako na I don’t want to look vulnerable sa harap ng mga tao. I don’t want to look weak. So as much as possible, hindi po ako vocal sa feelings ko sa mga tao kasi baka po ma-reject ako or ma-disappoint lang ako. Kaya ayoko pong magmukhang mahina sa kanila. But sa love po parang doon ko na-realize na walang ibang paraan, you have to get out of that box, sirain ‘yung box na ‘yun para ma-express ko ‘yung feelings ko.”

Kulay green naman ang kay Justin dahil, “Yung story po niyong zone ko na parang I don’t know what to express, parang pina-plastik ko ‘yung sarili ko na mayroon akong ipinakikitang iba’t ibang emotions towards the girl na, ‘Ah baka kailangan kong maging maangas, kailangan kong maging cute sa kanya. In the end, na-realize ko na kailangan ko lang maging sarili ko.”

Si Stell naman ay yellow na tama sa  personalidad niya. “Tulad po ng sabi ng fans na parang ako yung nagre-represent ng ray of sunshine. In-accept ko na po ‘yun na aminado naman po ako sobrang vocal ako sa lahat ng bagay, talkative talaga akong tao, sobrang showy, sobrang kung anong nasa loob ko sinasabi ko. ‘Yun ‘yung ipinakikita ko sa music video.”

Violet naman si Sejun. “Initially, kaya ko siya pinili kasi sa flame, siya ‘yung pinaka-mainit sa color palette ng flames. Sa ngayon, somehow, siguro nare-represent po niyon ‘yung personality ko. Pero hindi ko masasabi na fully na personality ko talaga ‘yun kasi sobrang cute niyong pinaggagawa ko na kahit ako nagki-cringe na sa ginagawa ko sa music video.”

Samantala, hindi naman itinanggi ng SB19 na overwhelm sila sa kasikatang tinatamasa.

“Masaya kami kasi hindi namin ine-expect na ganoon ‘yung tanggap ng mga tao sa amin.

“So para sa akin, sobrang nakaka-overwhelm lang na ma-appreciate nila ‘yung music na ginagawa namin. We worked hard for it.’Yung ma-appreciate ka lang ng tao, sobrang saya na sa pakiramdam,” giit ni Ken.

“Siguro po ‘yung people outside, nare-recognize na po kami easily ngayon unlike before. Pero ‘yung personality po namin, still the same. Kung gaano po kami ka-effort noon, siguro ngayon doble pa ‘yung effort namin.

Umaasa naman si Sejun na hindi sila bibitawan ng kanilang supporters hanggang saan sila makarating.

Pangarap naman ng SB19 na sana makapag-perform sila sa Amerika at hindi lang sa Asian countries tulad ng Korea. Gusto rin nilang maka-collaborate ang mga sikat na singers nating sina Gary ValencianoSarah Geronimo, at Morissette.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *