Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PDEA, katulong sa mga eksenang ginagawa sa Beautiful Justice

PARTE ng cast ng Beautiful Justice (ng GMA) si Valeen Montenegro bilang si Miranda, at ang tema ng serye ay tungkol sa drugs.

Ano sa tingin ni Valeen ang sitwasyon ng droga sa bansa, gaano ito kaseryoso?

“Well, it is very serious and it’s happening, parang mahirap siyang pigilan talaga.

“Pero with people like the PDEA team, hindi naman kasi nila kakilala ‘yung mga tinutulungan nilang mga pamilya, actually wala silang attachment doon sa mga taong ‘yun, eh.

“Ang ginagawa lang talaga nila is ‘yung tama. Kasi alam nila na drugs will just like influence your brain in ways na you can’t control, ‘di ba?

“So hindi natin kailangan ‘yun, nag-create tayo na walang mga substance na ganoon so, sana, and it’s addiction din kasi talaga, eh.

“So sana ma-prevent ‘yun. And ‘yung show kasi, aside from it being napapanood lang siya, as a source of entertainment, it’s also nakatutulong din sa mga kabataan to be aware of what’s happening in real-life situations.

“Kasi all our scenes here, all the different drug bust and all that, lahat po iyon, na-tsek muna ng PDEA mismo bago namin mailabas.

“So real-life situations, lahat po ng nangyayari. Very educational din siya.

“Lagi kasing taboo topic kasi ang drugs, eh. Parang, ‘Can we not talk about it?’

“’Di ba, laging ganoon. Pero it is really a serious problem.

“So this way, para siyang indirectly na marami siyang natutunton na problema, so indirectly, nagkakaroon ng knowledge ang mga tao, ‘Ah ganito pala ang nangyayari, ganito pala ang trabaho ng mga PDEA agents.’

“Marami ka talagang, na pati kami, natututo rin.”

Katuwang ng GMA at ng direktor na si Mark V. Reyes at ng buong cast ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa bawat eksenang ginagawa sa Beautiful Justice.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …