Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GGV, iginiit — Villar, ‘di kailanman nag-guest para ipromote ang cryptocurrency trading program

ITINANGGI ni dating Senate President Manny Villar na ineendoso niya ang cryptocurrency trading program. Kasunod ito ng pagkalat sa social media na sinusuportahan niya ang programang ito na tinalakay niya nang mag-guest sa Gandang Gabi Vice.

Agad pinasinungalingan ni Villar ang balita at sinabing isang scam ang kumalat sa social media.

Ani Villar sa isang post sa Facebook, “I wish to warn the public about a false social media posting claiming that I endorsed a cryptocurrency trading program. This is fake news.”

Iginiit pa ng dating senador na, “I have never made any such endorsement nor have I engaged in the said bitcoin trading program.”

Idinagdag pa ng senador na malinaw na scam ang programa kaya’t pinag-iingat niya ang publiko na protektahan ang mga sarili sa mga  unscrupulous act.

 “I have never made any such endorsement nor have I engaged in the said bitcoin trading program,” giit pa ng pinakamayamang negosyante na may net worth na $6.6 bil­yon noong 2019 ayon sa Forbes Magazine.

Itinanggi rin ng Gandang Gabi Vice na nag-guest sa kanila si Villar para i-promote ang ukol sa cryptocurrency trading program.

Sa statement na ipinost nila sa kanilang social media account, sinabi nilang, “This is to inform our Kapamilya and the general public that there is no truth to a certain article alleging that Mr. Manny Villar appeared on Gandang Gabi Vice and discussed certain tips on building wealth.

“The article is fake news and Mr. Villar has never been a guest on Gandang Gabi Vice nor has shared any secret or tip on money making.

“This notice has been released to put a stop to the spread of the said article and to avoid further misformation. Please be guided accordingly.”

GGV.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …