Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella, Luke, Nina, Juris, at Ito, magsasama-sama sa LoveThrowback3

MAGSASAMA-SAMA sina Ella May SaisonLuke MejaresNina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa kauna-unahang pagkakataon sa ikatlo at pinaka-pabolosong installment ng pinag-uusapan at inaabangang  #LoveThrowbackValentine concert franchise na mangyayari sa Pebrero 15 (Sabado, 8:30 p.m.) sa PICC Plenary Hall.

Sa direksiyon at konsepto ni Calvin Neria, ang inihahain ng kamangha-manghang musical spectacle na ito ang pinaka-romantikong Pinoy love songs na nagbigay kahulugan sa mga love stories ng ilang henerasyon ng ‘di mabilang na mga Filipino. Dadalhin ng #LoveThrowback3 ang mga manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanila ng sakit, ligaya, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pag-ibig.

Kasama si Marc Lopez bilang musical director, ang mga loyal fan at music aficionados ay maaaring maghanda sa isang ‘di malilimutang gabi ng musika habang aawitin ng live ng stellar cast ng show ang kanilang greatest hits gaya na lamang ng soulful classics ni Ella May na Till My Heartache Ends at If The Feeling Is Gone; ang ‘di mapapantayang bersiyon ni Luke ng Kahit Kailan at Love Of My Life; ang stirring rendition ni Nina ng Someday at Jelous; ang heart wrenching hits ni Juris na Di Lang Ikaw at A Love To Last A Lifetime; at ang anthemic masterpieces ni Ito na Tuloy Pa Rin at Maybe, at marami pang iconic love songs na lahat ay bahagi ng soundtrack ng love life ng bawat Pinoy.

Bahagi ng proceeds ng concert ay ibibigay sa GASFI (Gig and the Amazing Sampaguita Foundation, Inc.) – isang non-stock at non-profit na organisasyon na ipino-promote ang Twenty Minutes at Bedtime, Read With Your Child sa pagpapalakas ng family ties upang mapag-ibayo ang magmamahal ng isang bata sa pag-aaral.

Nagsimula ang GASFI bilang isang book donor program na naghihikayat sa bedtime reading. Mahalaga ang papel ng organisasyon at ang mga volunteer nito kung bakit may mga libro para sa mga kabataan sa mga komunidad na walang access sa mga libro. Maliban dito, importante rin para sa GASFI ang edukasyon at makikita ito sa scholarship program na may siyam silang iskolar sa kolehiyo.

Para sa karagdagang impormasyon at mga kapana-panabik na updates ukol sa #LoveThrowback3, i-like ang LoveThrowback3 sa Facebook. Para sa tikets, kontakin ang TicketWorld sa 891-9999o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …