Wednesday , December 4 2024

Mayor Isko – VM Lacuna kahanga-hangang tandem sa Maynila

ISA tayo sa mga bumibilib sa tambalang Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa pamumuno sa lungsod ng Maynila.

Mantakin n’yo naman, sa anim na buwang pamumuno nina Mayor Isko at VM Honey ang laki na ng pagbabago ng lungsod.

Siyempre, hindi naman puwedeng salita nang salita ang isang Mayor tapos wala naman palang pangil ang mga sinasabi niya.

Sino ang maglalagay ng pangil sa mga utos o pahayag ng Alkalde? Siyempre ang Konseho ng Maynila na pinamumunuan naman ni VM Honey.

Ang bawat utos ni Mayor Isko ay kinakailangan tapatan ng ordinansa o resolusyon ng Konseho.

At diyan nagtutulungan nang husto sina Mayor Isko at VM Honey.

Hindi nagiging ‘white element’ ang mga proyekto ng alkalde kasi nga may katumbas itong ordinansa o resolusyon.

Ano pa ang isang pagtutulungan ng dalawang opisyal ng Maynila?

Nitong linggo, nang italaga ni Yorme si Madam Honey na maging acting mayor, aba, hindi nagpatawing-tawing si VM at pinanin­digan  din niya ang ginagawang pag-iikot ni Yorme upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod ganoon din ang kalinisan.

Ako man ay nagkamali ng akala. Inakala ko kasi noong mga nakaraang administrasyon, ‘flower vase’ lang si VM Honey, hindi pala.

Isang maling akala pala!

Kapag pinagkalooban pala ng ganap na awtonomiya at basbas ay ginagawang mabuti ni VM Lacuna ang iniatang o pansamantalang ipinagkatiwalang tungkulin sa kanya.

Ayon kay Mayor Isko, malaking tulong ang pagiging timon ni VM Lacuna sa Konseho ng Maynila, gayondin ang pakikipagtulungan nina majority leader Joel Chua at  3rd district councilor Letlet Zarcal, na nagbigay daan kaya’t naipasa ang 30 ordinansa at 167 resolusyon na ang layunin ay para sa kapakanan ng Manileño at mapabuti ang kalagayan ng Maynila.

Malaking tulong ang konseho sa imple­mentasyon ng hangarin ni Mayor Isko na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga maralita sa lungsod sa  pamamagitan ng social amelioration programs ng lungsod. 

Ayon naman kay VM Lacuna, mananatili ang kanyang suporta kay Mayor Isko dahil mabuting intensiyon ang kapwa nila hangad sa lungsod at sa mga Manileño.

‘Yan ang tunay na tandem!

Saludo po kami sa inyo Yorme Isko at VM Honey.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *