Saturday , November 23 2024

Manila Water, Ayala group umayuda sa Taal evacuees

INAYUDAHAN ng Ayala group ang libo-libong  pamilya na naa­pek­tohan ng pagsabog ng bulkang Taal sa pama­magitan ng pamamahagi ng mga ipinadalang water tankers upang mabigyan ng potbale waters ang mga residenteng nasa iba’t ibang evacuation area sa mga lalawigan ng  Batangas at Laguna na ngayon ay isinailalim sa state of calamity.

Sa report, ang 30 water tankers ay inisyal na nagdala ng  248 cubic meters ng tubig sa 19 evacuation centers sa Batangas at Laguna.

Kahapon, ang water tanks ay ikatlong ulit nang nagpa-refill sa Laguna Water na halos 10,000 evacuees ang nabigyan ng libreng potable water na kailangang-kailangan ng maraming pamilyang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Nitong   13 Enero 2020, nagpadala ang Manila Water ng 30 water tanker trucks sa  Balara headquarters sa Quezon City, at naghatid ng 248 cubic meters ng  inuming tubig sa 19 evacuation centers sa Batangas at Laguna, at doon ay nakahimpil ang kanilang water tankers.

Sa pakikipag-ug­nayan sa Batangas Pro­vincial Disaster Risk Reduction at Manage­ment Office (Batangas PDRRMO), patuloy ang ginagawang pag-ayuda ng Manila Water sa mga evacuees sa bayan ng  Sto. Tomas, Tanauan City, Lipa City, Batangas City, San Pascual, San Luis, at Cuenca, kabilang ang Tagaytay City at Alfonso sa Cavite, upang mabig­yan ng malinis na inuming tubig.

Kaugnay nito, nama­hagi rin ang Manila Water Foundation ng 2,000 units ng 5-gallon bottles ng potable water sa evacuees na nasa Sta. Teresita at Bauan, Batangas, maging ang mga nasa muni­sipalidad ng Agoncillo, San Nicolas, Laurel, Taal at Talisay.

Ang patuloy na relief operations ng Ayala group ay naisagawa sa pakikipag-ugnayan mula sa  Batangas PDRRMO, MMDA, RAF Inter­national Forwarding Phils. Inc., GMA Kapuso Foundation, Inc., Philip­pine Air Force 710 SPOW, 730th Combat Group – Nasugbu, Batangas at Bureau of Fire Protection – Laurel, Batangas at mga kina­tawan mula sa Barangay Labas.

Naglagay din sila ng Globe’s Libreng Tawag at charging station sa Brgy. Amuyong sa covered court sa Tagaytay-Nasugbu Road, Alfonso, Cavite at ito ay binuksan nitong 13-16 Enero dakong 9:00 am hang­gang 6:00 pm.

Maging sa Cavite (Brgy. Amuyong Covered Court, Bagong Tubig Barangay Hall, Brgy. Kaybagal South Old Rehab Center, at Luksihin National HS sa Brgy. Luksuhin) at Batangas (Sto. Tomas City Eva­cuation Center Poblacion 3) ay naglagay din ang Globe Telecom (Globe) ng limang Libreng Tawag at charging stations na sinimulan din nitong 13 Enero at magtatapos hanggang 16 Enero 2020.

Nabatid na mag­lalagay ng mga karag­dagang Libreng Tawag at charging centers upang matulungan ang mga apektadong pamilya ng pagsabog ng bulkan na makausap ang kanilang mga pamilya na nasa iba’t ibang sulok ng daigdig sa gitna ng nang­yaring kalamidad.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *