Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella May, Luke, Nina, Juris, at Ito, tampok sa #lovethrowback3

SA unang pagkakataon ay magsasama-sama sina Ella May Saison, Luke Mejares, Nina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa kauna-unahang pagkakataon sa ikatlo at pinakapabolosong installment ng pinag-uusapan at inaabangang yearly  #LoveThrowback Valentine concert franchise na magaganap sa 15 Pebrero (Sabado, 8:30 p.m.) sa PICC Plenary Hall.

Sa direk­siyon at kon­septo ni Calvin Neria, handog ng musical spectacle na ito ang pinaka­romantikong Pinoy love songs na nagbigay kahulugan sa love stories ng ilang henerasyon ng ‘di mabilang na mga Pinoy. Dadalhin ng #LoveThrowback3 ang manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanila ng sakit, ligaya, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pag-ibig.

Kasama si Marc Lopez bilang musical director, ang mga loyal fans at music aficionados ay maaaring maghanda sa isang ‘di malili­mutang gabi ng musika habang aawitin nang live ng stellar cast ng show ang kanilang greatest hits gaya ng soulful classics ni Ella May na Till My Heartache Ends at If The Feeling Is Gone; ang di mapapantayang bersiyon ni Luke ng Kahit Kailan and Love Of My Life; ang stirring na rendisyon ni Nina ng Someday at Jelaous; ang heart wrenching hits ni Juris na Di Lang Ikaw at A Love To Last A Lifetime; at ang anthemic masterpieces ni Ito Rapadas na Tuloy Pa Rin at Maybe, at marami pang iconic na love songs na lahat ay bahagi ng soundtrack ng love life ng bawat Pinoy.

Part ng proceeds ay ido-donate sa GASFI (Gig and the Amazing Sampaguita Foundation, Inc.), isang non-stock at non-profit na organisasyon na ipino-promote ang “Twenty Minutes at Bedtime, Read With Your Child” sa pagpapalakas ng family ties upang mapag-ibayo ang pagmamahal ng isang bata sa pag-aaral.

Nagsimula ang GASFI bilang book donor program na nanghihikayat sa bedtime reading. Mahalaga ang papel ng organisasyon at ang mga volunteers nito kung bakit may mga libro para sa mga kabataan sa mga komunidad na walang access sa mga libro. Maliban dito, importante rin sa GASFI ang edukasyon at makikita ito sa scholarship program nito na may 9 iskolar sa kolehiyo.

Para sa karagdagang impormasyon at updates ukol sa #LoveThrowback3, i-like ang LoveThrowback3 sa Facebook. Para sa tikets, kontakin ang TicketWorld sa 891-9999 o bisitahin ang http://www.ticketworld.com.ph.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …