Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin at Pops, pitong gabing sunod-sunod ang concert

SA dinami-rami ng Araw ng mga Pusong nagdaan sa buhay nila, never pang nakapag-celebrate o nag-date man lang ang Concert King and Queen na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Ayon sa kuwento ni Martin, lagi kasi silang onstage ng kanyang partner noon. Na kaibigan na niya ngayon.

“All those years, we celebrated our Valentine’s Day with you guys. With our fans. But there was only one time na naisip ko lang na i-date si Pops doon mismo sa backstage.

“So, I had a room sa likod ng stage. Naka-set up ang candlelight dinner and stuff. There was a bed na prop. But I won’t tell if we were able to use that bed.” patawa-tawang sagot ng Hari.

Natanong naman si Pops kung paanong nauwi ngayon sa mas maganda pang relasyon ng pagkakaibigan ang nangyayari sa kanila ni Martin.

“Hindi madali ang proseso. Para sa aming dalawa. I love Santino (Martin’s son with Katrina). I am so happy he also loves me,” napaiyak na bulalas ni Pops.

At sa kuwento nila ni Martin, weird mang tingnan, nabuo ang pamilya nilang dalawa with Robin and Ram and Santino and Katrina na si Pops pa ang naghanda ng pinagsaluhan nila noong Pasko.

At umamin naman ang dalawa na there was a time na nagbukas pala ng pagkakataon para sila magkabalikan. Pero sila rin mismo ang pumigil sa mga sarili nila.

“Kaya, we had our shows muna abroad. kasi, we wanted to see kung nandoon pa ang chemistry or the reaction ng fans. I was very conscious and uncomfortable rin naman that time. Eh, we had sold out shows,” say ni Pops.

“In Araneta, kami lang ni Pops ang may concert na may matinee dahil nga sa sobrang dami ng tao. If that will still happen now, who knows.”

The ex-couple/friends now will again, celebrate their Valentine’s Day with their supporters. Not just one or two nights but seven nights! On February 14, 15 and 17 and 18, 19, 20 and 21.

Bukod kina Rita Daniela at Ken Chan sasalang din on certain nights sina Joaquin Domagoso at LA Santos.

Ang Twogether Again ay hatid ng StarMedia EntertainmentDSL Events and Production House, BMW8, at DreamWings at matutunghayan ito sa The Theatre at Solaire, 8:00 p.m.

May talent fee ba si Martin?

“Kapag si Pops sinabi na ng malambing ang ‘Mart…’ you know it’s parang P1 pero over libre! That’s how we are now. Before, like when we’re going to a place and I ask her, sa akin niya pa rin ibabalik ang ‘What do you want’. This woman has changed. The new Pops. She can make decisions on her own ‘di ba?

“Just let us make your Valentine’s Day and dates something special.  

“Getting married? Now, parang we’re not on that page. Ask her if she’s dating na,” say ng selosong ex.

Nagwi-wish pa lang naman si Pops. May props kaya uling kama?

Well…

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …