Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

EA at Coleen, hindi hirap magpakilig

SIMPLE na may kurot ang istorya ng Mia, isang rom-com movie na tiyak magugustuhan ng mga hindi maka-get-over sa pag-ibig. Para nga raw itong Kita Kita, pero mas maganda at tiyak maaaliw at mai-in-love kayo rito sa Mia.

Hindi namin inaasahang bagay sina Edgar Allan Guzman at Coleen Garcia. Pero ang galing ng chemistry ng dalawa. Kitang-kita ito sa kanila lalo’t pareho rin silang magaling umarte.

Interesting sa kung saan ka dadalhin ng istorya ng Mia. Aabangan mo talaga ang mangyayari. Ang galing kasi ng pagkakalatag ng istorya nina Direk Veronica Velasco at Jinky Laurel gayundin ang pagkakadirehe ni Direk Roni.

Nagustuhan ko ‘yung tema o estilo ni Direk Roni na inilagay niya sa  hulihan ng pelikula ang explanation ng ilang tagpo sa unahan. Kumbaga, ang galing ng pagkaka-edit.

Napakahusay din ng pagkakaganap ng mga bida. Ang galing ni Coleen at napakaganda niya sa pelikula. Bagay sa kanya ang walang make-up, mas maganda sa kanya.

Hindi biro ang gumanap na lasenggera lalo’t hindi ka naman talaga lasing. Pero naitawid iyon ng maayos ni Coleen to the extent na iisipin mo kung talagang uminom ba siya habang nagsu-syut para mas effective ang pagganap.

Pero ayon kay Chris Cahilig ng Insights 360 Film, ni hindi uminom ng anumang alak ang aktres.

Magaling din si EA bilang isang forester na hindi nahalata ang sinasabi niyang hirap sa pagde-deliver ng mahahabang English lines. Panalo rin ang pagpapakita ng kanyang abs gayundin ang kaseksihan ni Coleen.

Dahil nga may chemistry sina Coleen at EA hindi mahirap ang ginawa nilang pakilig. Refreshing din ang tambalan ng dalawa na sana’y masundan pa.

Abangan din ang pag-eksena ni Bru na malaki ang papel sa buhay ni Mia.

Ang Mia ay mula sa Viva Films at Insight 360 Films na pag-aari ng PR guru at award-winning filmmaker na si Chris Cahilig. Kasama rin sa movie sina Yayo Aguila, William Martinez, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez, at Xenia Barrameda. May special participation din dito si Billy Crawford.

Mapapanood ang Mia sa January 15. Dapat sana’y magkakaroon muna ng National Mia Day kahapon sa Cinema 1 ng SM Megamall subalit nakansela ito dahil na rin sa nangyaring pagsabog ng Taal.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …