Sa kabilang banda, pinuri si Direk Yam sa kanyang mga kakila-kilabot na pelikula tulad ng Aurora (2018), The Road (2011), at Sigaw (2004), na nagwagi siya ng Special Award sa Brussels International Festival of Fantasy Film (BIFFF).
Kaya naman natanong ang director ukol sa kung paano nga ba nakagagawa ng horror movie. Aniya, ”I want to see what’s real out there and I translate them into (a) real scary (story) because that has a connection to a lot of people…It becomes relatable. And when you translate that into something horrifying, it touches people’s fears, nightmares and skeletons in their closet.”
Sinabi pa niyang, ”location is another character in a horror film. It is where fear and paranoia are created.”
Ang pahayag niyang ito ay pinatutunayan ng movie trailer. Sa ilang eksena, makikita si Yam na nag-iisa sa pasilyo habang ang mga ilaw ay patay-sindi, may isang kuwarto na matatagpuan ang mga bangkay na tila muling nabuhay.
Sinabi pa ni Direk Yam na mahalaga rin ang musika para paigtingin ang kilabot sa pelikula. Kaya naman muli siyang nakipagtambalan sa mga taong naging responsible sa award-winning music and sound ng pelikulang Aurora na sina Oscar Fogelström at Albert Michael Idioma.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio