Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Surrogate mother na hanap ni Ai Ai — Pinay at ka-blood type niya

BUO na ang desisyon nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan na magkaroon na ng baby at ito sa pamamagitan ng paghahanap ng  surrogate mother.

Ani Ai Ai pagkatapos ng presscon ng buenamanong pelikula ng Regal Films, ang D’Ninang, na mapapanood na sa January 22, “Napagdesisyonan namin ni Gerald na hindi na ako ang mag-carry nang magkaroon kami ng argument dati. Roon niya nasabi, although ayaw niyang sabihin before kasi alam niyang magagalit ako, for health reason.

“Na totoo naman kasi dahil nga sa lifestyle ko. Organic na kasi ang kinakain ko at kapag nagkasakit ako kung may dala akong baby, paano na? Hindi naman agad ako makakainom ng gamot.

“Tulad nang minsang uminom ako ng gamot, isang antibiotic, biglang nanigas agad ang bibig ko. Eh kapag buntis ka, may mga bagay na hindi ko makokontrol, kawawa naman ang bata. Kaya naniwala na rin ako. Kung ano na lang din ang desisyon ng asawa ko.”

Ikinokonsidera ni Ai Ai sa paghahanap ng surrogate na, “dapat may experience na, at hindi naman nangangahulugan na foreigner.

“Dapat ka-blood type ko and Pinay.”

Matagal na palang naipa-preserve ni Ai Ai ang kanyang embryo na sinasabi niyang, “tatlo iyon ngayon.”

Samantala, hindi naman big deal kay Ai Ai na hindi na siya kasali sa Sunday noontime show sa GMA.

“Siguro dahil sa maturity ko, kinakain ko, lifestyle ko, nagbago na ang lahat ng pananaw sa buhay ko. Puro positive na lang, magandang buhay, magandang pakikisama, and magaan ang buhay kapag ganoon,” esplika ni Ai Ai.

Sa kabilang banda, ginagampanan ni Ai Ai ang isang magnanakaw na may puso sa D’Ninang. Kumbaga, maihahalintulad ito sa istorya ni Robinhood na matapos magnakaw ay itinutulong sa mga nangangailangan kaya naman tinawag siyang Ninang.

Kasama sa pelikula sina Kisses Delavin, McCoy de Leon, Kelvin Miranda, at introducing si Angel Guardian. Kasama rin sina Kiray Celis, Lou Veloso, at Joey Marquez. Mula sa direksiyon ni GB Sampedro.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …