Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo pinagkaguluhan, Mannix namigay ng kotse sa Prestige International Unstoppable 2020

HINDI magkandaugaga ang security personnel ng Okada Manila nang dumating si Piolo Pascual sa Mannix Carancho Artist & Talent Management at Prestige International Year End Unstoppable 2020 Party na ginanap sa Okada Grand Ballroom.

Pinagkaguluhan dito si Papa P., mula pagpasok pa lang sa ballroom ng Okada, hanggang siya ay makalabas. Tila lahat ay gustong magpa-photo kasama siya or at least ay makamayan ang Kapamilya aktor.

Bukod sa pagkanta, tinulungan din ni Piolo ang big boss ng Prestige na si Mannix Carancho na bumunot ng mananalo ng Toyota Vios. Isa sa highlight ng event ay nang sumayaw si Mannix kasama ang ilang celebrity guests ng Mannix Carancho Artist & Talent Management artists.

Sobrang sosyal at bongga ng event, patunay na patuloy ang paglaki ng beauty company na Prestige na itinatag ni Mannix noong 2015. Ito ngayon ang isa sa mga leading corporation na nagpo-produce ng skin care products para sa madla sa abot-kayang halaga na may magandang resulta sa kanilang skin o kutis.

Dito’y binigyan din ng pagkilala at awards ang masisipag na distributors at resellers. At sa sobrang pasasalamnat ng mga natulungan ng Prestige boss na si Mannix at yumaman sa business na ito, marami ang napaiyak, pati si Mannix mismo ay naging teary eyed din.

Bukod kay Piolo, kabilang sa mga celebrity na lalong nagpaningning sa gabi sina Arron Villaflor, Maxine Medina, ang mga Bidaman na sina Miko Gallardo, John Padilla, Laurel, Barbie Imperial, Iyah Mina, Katrina Velarde, Dianne Medina, Alliyah Cadelina, Rhed Bustamante, Chad Kinis, at marami pang iba.

Si Amanda Salas na PR & Marketing Consultant ng Prestige at siyang writer & director din ng event ay nagpahayag ng pasasalamat kay Mannix at sa mga naging bahagi ng naturang event.

Saad ni Amanda, “Thank you so much Boss Mannix sa lahat ng support at sa lahat ng mga oppotunity. I am grateful to have you as my boss. Sa lahat po ng mga press na nagpunta. Sa mga usherrettes ko, mga foreigner na escorts & barbie doll, sa mga back-up dancers ko at choreo­grapher, really thankful sa lahat ng mga biyayang nakukuha ko. Also thank you sa loves kahit sobrang pagod na at marami akong talak he’s patience talagang kitang kita. This is a star-studded event na ginawa ko. Maraming-maraming salamat po!”

Ang vision ng Prestige ay makatulong sa career growth ng lahat ng employees nito sa paghahatid ng quality service globally upang i-promote ang sustainable development and progressive environment sa kabuuan nito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …