Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klinton Start, proud sa ini-endorse na CN Halimuyak

SECOND year na ni Klinton Start bilang endorser ng CN Halimuyak perfume na marami ang nagugulat dahil sa so­brang kaba­nguhan nito. Nagkuwento si Klinton kung paano siya naging endor­ser nito.

“Nag-start po ako as endorser ng CN Halimuyak noong Nov. 2018 po and of course nang malaman ko po sa aking manager na si Tito John Fontanilla na kukunin nila ako as one of the endorsers, sobrang saya ko po dahil mahilig po talaga ako magpabango. Kaya lubos po akong nagpapasalamat sa CN Halimuyak sa pagkakataon na kanilang ibinigay sa akin na magkaroon ng sariling pabango,” pahayag ni Klinton.

Dagdag niya, “Ang ini-endorse ko po na pabango ay pambabae and panglalaki. Sa pang-babae po is C20 inspired by “Lanvin Eclat D’Arpege.” Sa panglalaki naman po is N5 inspired by “Invictus by Paco Rabanne.” At ngayon pong 2020 ay maglalabas po ng bagong line ng pabango ang CNHP EXTRAIT de PARFUM na magkakaroon din po ng N5.”

Sinabi rin ng binatilyo na proud siya sa pabangong ini-endorse niya. ”Sobrang proud po ako dahil matagal ko pong pangarap na magkaroon ng sariling pabango na ngayon po ay natupad na. Worth it po talagang mag-purchase ng CNHP dahil ang amoy nito ay kayang tumagal nang isang araw at siyempre, gawa po ito ng nag-iisang si Ma’am Nilda Tuason.”

Pahabol ni Klinton ukol sa lady boss ng CN Halimuyak, “Ang masasabi ko po kay Ma’am Nilda is sobrang thankful ako na nakilala ko po siya dahil sobrang bait po talaga niya, matulungin sa kapwa at down to earth na tao. Sana ay marami pa siyang blessings na matanggap sa kanyang buhay dahil deserve niya po iyon.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …