Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, aminadong na-miss si Julia

HINDI itinanggi ni Joshua Garcia na na-miss niya ang dating girlfriend na si Julia Barretto.

Inamin niya ito presscon ng unang handog na pelikula ng Star Cinema, ang Block Z na idinirehe ni Mikhail Red at mapapanood na sa January 29.

Matagal-tagal na hindi nagkasama sina Joshua at Julia matapos maghiwalay. Kaya nang kumustahin ang dalawa sinabi ni Joshua na, “Okey naman kami. Okey kami. Actually noong nakita ko siya, parang na-miss ko rin siya. Kasi siyempre ang tagal naming hindi nagkasama, naging busy siya, naging busy ako.”

Tugon naman ni Julia, “Oo naman po, we’re okey, thank you for asking. That was one of the things na I’m super grateful for is that we we’re able to protect and make sure that the friendship will stay and remain.

“And tama siya, when the first time it felt familiar kumbaga, parang it’s a familiar place, it’s a comfortable place, safe place.”

Ang pelikula ay ukol sa mga pre-med students na naka-encounter ng pagkamatay ng isang pasyente na kinakitaan ng sintomas ng rabies. Naging malaki pang problema sa kanila nang bigla itong nabuhay at nakahawa sa ibang tao na nasa campus kaya naman isinara iyon at walang pinayagang makalabas o makauwi.

Kasama sa pelikula sina Ian Veneracion, Dimples Romana, at Ina Raymundo.

“Back in high school, I used ot make zombie movies with my classmates, using ketchup blood and a mini-dv camcorder,” ani Red na siyang director ng mga award winning movie na Birdshot at Eerie, at ang pinakabago ay ang Netflix original film na Dead Kids.

“Now I get to fulfill my lifelong fantasy and make a full-scale zombie movie with the biggest local studio,” dagdag pa ni Red.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …