THANKFUL si Judy Ann Santos na puro mahuhusay umarte at professional ang kanyang co-stars sa pinagbibidahang ABS-CBN primetime teleseryeng Starla. Dahil dito hindi naging mahirap ang paggawa ng mga eksena nila sa taping. Kaya naman mami-miss niya ang pakikipagtrabaho sa mga ito ngayong malapit nang magtapos ang Starla sa Biyernes, Enero 10.
“Maliban sa given na ‘yung love na ibinibigay namin sa isa’t isa kasi the respect has always been there simula pa lang. Ang mga bago ko lang naman nakatrabaho rito ay sina Enzo (Pelojero) and Jana (Agoncillo), but the rest ilang beses na kaming… kami ni Meme (Meryll Soriano) mga bata pa lang kami magkatrabaho na at naghahabulan pa kami. Si Tatay (Joel Torre) ganoon din, si Joem (Bascon) ganoon din hindi na kami bata pero nakatrabaho ko siya nang matagal.
“Apart from the bonding, apart doon sa tsikahan, sa asaran, sa kulitan, it’s that moment na nakikipagtrabaho ka sa mga mahuhusay na mga artista. Kasi nabubuo na lang ang mga eksena on it’s own na hindi niyo kailangang OA-han ‘yung acting niyo kasi everybody is doing their job.
“And kung sino ‘yung dapat sa eksena na umangat, nagbibigayan, automatic siya hindi kailangang sabihin. Iyon ang mami-miss ko, ‘yung hindi mo kailangang manantiya kung saan mo kailangang dalhin ‘yung trabaho mo, kung hanggang saan mo kailangang i-push itong isang eksena, kasi buo na kayo eh, naiintindihan niyo na ‘yung mga kilos at galaw ng bawat isa.
“Of course, I’ll miss the staff, the crew, the cast, everyone else. Kasi sa halos dalawang taon namin itong ginawa naging biro na nga sa amin iyong, ‘Ieere pa kaya tayo?’ Nakailang trade events din. Ito na pala ‘yung trade events para ka na palang nasa kiosk. Masaya siya,” sabi ni Juday sa finale presscon ng Starla.
Happy lang si Juday na bukod sa magaganda ang mga proyektong ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN ay mahuhusay pa ang mga artistang nakakasama niya. Kaya umaasa siyang makakatrabaho rin niya ulit ang mga ito sa mga susunod niyang mga proyekto.
“I am always blessed with soaps and movies na I treasure the family so much kasi the respect is mutual. And even after the project, when we see each other parang walang mahabang gap doon sa pagitan na iyon. Sana sa mga susunod pang proyekto, at some point in our lives alam kong magbo-volt in kami ulit sa ibang proyekto.
“Maaaring iba na ‘yung pananaw namin sa buhay pero iyong respeto, pagmamahal at friendship namin will always be there. And it’s all because of the wonderful teleserye na ibinigay ng Dreamscape sa amin which is ‘Starla,’” ani Juday.
Patuloy na subaybayan ang last week ng Starla na tinaguriang Ang Huling Hiling hanggang sa pagtatapos nito sa Biyernes (January 10) sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga