Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janah Zaplan, na-overwhelm sa pagdating ng blessings

SOBRA ang kagalakan ng Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan sa patuloy na pagda­ting ng blessings sa kanyang showbiz career. Last month, wagi siya sa Aliw Awards bilang Best Pop Artist. Co-nominees ni Janah sa kategoryang ito sina Janice Javier, Anna Fegi, Janine Tenoso, Reuben Laurente, Kiel Alo, at Kevin Roy.

Nanalo rin siya sa The 1st Voice­Camp Edge Award 2019 bilang Artist of the Year last December.

“Na-overwhelm po ako talaga, actually ‘yan po lagi ang sinasabi ko sa interview lalo na ilang taon palang po ako sa path na ito,” masayang pakli ni Janah sa mga biyayang nakakamit.

Saad pa niya, “Still can’t get over all the blessings that has been pouring down on me. I always feel grateful and thankful to God and my family who has ever been supportive especially my parents. Sadyang grabe po talaga, ‘yun lang ang masasabi ko. Lalo na at makasama mo ‘yung mga bigating artists sa mga nominees, that is actually an achievement na for me.”

Nominated din si Janah sa darating na 11th PMPC Star Awards For Music na gaganpin sa January 23, 2020 sa Skydome, SM North EDSA para sa Female Pop Artist of the Year sa kantang ‘Di Ko Na Kaya ng Ivory Music. Kasama niya rito sina Alex Gonzaga (Chambe) Star Music, Julie Ann San Jose (Regrets) Universal Records, Kyline Alcan­tara (Fake Love) GMA Records, Loisa Andalio (Sasabay sa Ulan) Star Music, Maris Racal (High Crush) Star Music, Rita Daniela (Florita) GMA Records, at Sharlene San Pedro (Pa’no Ang Lahat) Ivory Music.

Ano ang reaction niya rito?

“Nagulat po talaga ako kasi ‘di ko akalaing makapasok sa qualifications and standards ng ganitong prestigious award giving body, pero this means a lot kasi at least I know na they appreciate my music. I am just honored really, to be part of this and doon pa lang panalo na,” aniya.

Ano ang expectations niya sa darating na Star Awards?

“Actually wala naman po talaga, kung ano lang po ang maging results tanggap ko po. I will be really happy to whoever wins, kasi for sure they deserve it.”

Isa pang dagdag na blessing kay Janah ang pagiging endorser niya ng Mapulon Spa. Aside pa ito sa pagiging brand ambassadress siya ng Nutravitals International Corporation na ang CEO ay si Mr. Danilo Veña Bendong. Kaya sure ako na proud na proud ang parents niyang sina Mr. & Mrs. Boyet and Dencie Zaplan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …