Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, handa na sakaling mag-asawa na si Arjo

NA-CORNER si Sylvia Sanchez ng ilang mga reporter sa kanyang bahay nang mag-lunch ang mga ito ukol sa kung handa na ba ang aktres sakaling mag-asawa na ang kanyang panganay na si Arjo Atayde.

Alam naman natin na magkasintahan sina Arjo at Maine Mendoza. Nadala na ni Arjo si Maine sa kanilang bahay at naipakilala na sa kanyang pamilya ganoon din si Arjo sa pamilya ni Maine.

Nasabi na rin minsan ni Maine na wala siyang dapat itago sa kung anong mayroon sila ngayon ni Arjo lalo’t mahal niya ang pinag-uusapan.

Bagamat marami ang hindi payag sa relasyon ng ArMaine lalo na iyong fans nila ni Alden Richards, napaka-vocal naman sa pagtatanggol si Maine kay Arjo. At ang pinakahuli nga ay ang usaping #notoarjo vs #yestoarjo.

Ani Sylvia, matanda na si Arjo, na mag-30 na ngayong 2020,  kaya okey na sa kanya sakaling magsabi na ito at magpaalam na gusto nang lumagay sa tahimik.

Minsan na rin naming naitanong ito (pag-aasawa) kay Sylvia at alam niyang isang araw ay darating na mag-aasawa na ang actor.

Naikuwento rin minsan ni Sylvia na nagpa-alam na ang kanyang anak sa kanya para mag-solo. Meaning titira na ito sa condo na hindi sila kasama. “Okey sa akin na mag-solo na siya kasi alam ko eventually mangyayari ito at para matuto na rin siya mag-solo. Matanda na siya, ha ha ha,” ani Ibyang (tawag kay Sylvia).

At nang mag-spent abroad ng Pasko at Bagong Taon ang pamilya Atayde, excited si Ibyang na kompleto sila at nasabing, “Baka ito na ang last Christmas na kompleto kami. Baka mag-asawa na si Arjo.”

Bagamat walang ibig sabihin dito si Sylvia at ‘di pa rin siya sure sa mga plano ng anak, inihahanda na rin niya ang sarili.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …