Friday , December 27 2024

Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno gawing mataimtim at mapayapa

NGAYONG araw, 9 Enero 2020, muli nating matutunghayan ang pasasalamat at pagdiriwang ng mga deboto ng Poong Itim na Nazareno.

Isusulong ng mga debotong nais mabigyan ng pribilehiyong maipasan ang banal at milagrosong imahen ng Itim na Nazareno ang Andas mula sa Quirino Grandstand hanggang maibalik sa Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala sa tawag na Quiapo Church.

Ang taon-taong pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno ay isa sa mga itinuturing na milagrosong okasyon dahil maraming mga deboto ang nagpapatunay na marami silang hiling na naibigay.

Hindi natin tinatawaran ang mga patotoong ito. Katunayan, malaking bagay sa bawat Filipino ang pagkakaroon ng ganitong mga paniniwala.

Kahit ang mga dayuhang sumasaksi sa nasabing kapistahan ay hindi makapaniwala sa ipinakikitang debosyon ng mga mananampalatayang Filipino.

Katunayan sa pamamagitan ng debosyong gaya nito, maraming Filipino ang nabubuhayan ng pag-asa sa kabila ng pagkalugmok sa buhay.

Ang Itim na Nazareno gaya ng Ina ng Laging Saklolo ay mga imaheng kinakapitan ng mga Filipino na hindi na alam kung saan patutungo sa panahon ng matitinding pagsubok at pagkalugmok.

Isa rin ang Poong Nazareno kung bakit maraming Filipino ang gumagawa ng kabutihan sa kapwa lalo na kapag nabibigyan ng katuparan ang kanilang mga kahilingan.

Sa lahat nang ito, tayo’y nakikiisa, pero mayroon lang tayong nais hilingin sa laksa-laksa o higit sa milyong deboto na maaaring sumama ngayon sa prusisyon ng Andas — pilitin po nating maging malinis ang mga lugar na inyong pamamalagian gayondin ang mga kalsadang daraanan.

Sabi nga po, “Cleanliness is next to God­liness,” kaya kung ang mga debotong lalahok ngayon ay mayroong hindi matatawarang pananampalataya, sana lang po ay iwanan nating malinis ang bawat daraanan ng Andas.

Malamang, hindi lang po ang mga kababayan o ang mga opisyal ng pamahalaan ang matutuwa kundi marahil maging ang Poong itim na Nazareno na ipinagdiriwang natin ang kapistahan.

Sa ganitong paraan, mapapatunayan ng mga deboto na ang pagdiriwang para sa kapistahan ng Poong Itim na Nazareno ay ginawa sa mataimtim at mapayapang paraan.

At palagay po natin, iyon ang ultimong layunin ng pagdiriwang na ito.

Happy fiesta po at maraming salamat sa patuloy na pangangalaga, Mahal na Poong Itim na Nazareno.

Patnubayan po ninyo ang prusisyon ng Andas sa araw na ito.          

Salamat po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *