Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, wala sa birthday tribute kay Sharon dahil sa ‘personal reason’

HINDI nakadalo sa pa-birthday tribute ng ABS-CBN’s Sunday noontime show na ASAP noong Linggo para kay Sharon Cuneta si KC Concepcion kaya naman marami ang naghanap sa dalaga. Tanging sina Frankie, Miel at asawang si Kiko Pangilinan lamang ang nakapagbigay ng sorpresa sa Megastar.

Ani KC, hindi siya nakadalo sa birthday tribute dahil sa personal reason kaya naman humingi siya ng paumanhin sa kanyang ina. Pero iginiit naman nito kung gaano niya kamahal ang ina na gagawin ang lahat para maging proud siya rito.

Sa IG post ni KC, isang throwback picture nilang mag-ina na magkahawak kamay ang inilagay niya na may caption na, Happy birthday, mama. e&þ I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will. I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young. If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best. Happiest birthday to you mama. May your light shine brighter and brighter and I will see you soon. I love you and pray for your happiness always. =ØOÞ<Øûß(‘=Ø–Ü”

Isang throwback picture rin ni Sharon noong kabataan nito ang ipinost ni Frankie sa kanyang IG. Rito’y sinasabi niyang walang kupas ang ganda at magic ng kanyang ina.

Aniya, “fifty-four is nothing when your magic is timeless and infinite. happy birthday to beco’s babe, expert vehicular makeup artist, meatloaf connoisseur, record-holder for world’s longest pit stop, boy pablo enthusiast, professional book wrapper, monique, emmy, dorina, darna -my best friend. i love you more (promise).”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …