Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joem at Meryll, nagkabalikan na

DAHIL sa nai-post ni Mel Martinez na larawan nang ipagdiwang ng kanyang pamilya ng sama-sama ang Bagong Taon, nagtanong ang netizen kung photobomber lang ba ang nakita nilang si Joem Bascon sa nasabing family gathering.

Magkasama sa pelikulang Culion sina Joem at Meryll Soriano.

Noon pa inuusisang mabuti ng press ang pagiging close nila sa isa’t isa. At sa ilang pagkakataon nga ay hindi na matingkala ang sobrang pagkakalapit nila dahil may mga lumulusot nga na kakaibang kilos sa dalawa.

Sabi naman ng mga miron, kung sakal’ng maging sila na, wala namang matatapakan dahil matagal na palang hiwalay si Joem sa longtime girlfriend niya na isang vlogger.

Si Meryll naman focused sa halos sa binata na niyang anak na si Eli. Na siyang naging escort niya sa premiere ng Culion.

Plano nga ng mag-inang magbakasyon sa labas ng bansa very soon para lalo pa silang makapag-bonding!

Mahal na nga ba uli nina Joem at Meryll ang isa’t isa?

Isa na nga bang pagpapakita ng pagsang-ayon na sa pag-level-up ng kanilang pagkakalapit ang pagsama ni Joem sa okasyon ng pamilya ni Meryl?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …