Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauline Mendoza, handang masampal ni Carmina Villaroel

MAGANDA ang pagpasok ng taong 2020 sa young actress na si Pauline Mendoza. Bibida na kasi si Pau (nickname ni Pauline) sa bagong TV series ng GMA-7.

“Ang gagawin ko pong project ngayon, ang title ay Babawiin Ko Ang Lahat and finally, ito na ang pinakahihintay ko, lead na po ako rito. Target date namin is February. Makakasama ko po rito si Ms. Carmina Villaroel ulit, sina Sir John Estrada, David Licauco, Dave Bornea, Liezel Lopez, at Kristoffer Martin,” aniya.

Sino ang magiging leading man niya rito? “Tatlo sila e, pero abangan na lang kung sino ang magiging leading man,” sambit ni Pau.

Ano pang pinagkakaabalahan niya ngayon? “Busy po with Beautederm, siguro itong pagpasok ng New Year, ‘yun na ‘yung magiging busy ako talaga.”

Si Pauline ang isa sa endorsers ng Beautederm na pag-aari ng napakabait at sobrang matulunging CEO and owner na si Ms. Rhea Anicoche Tan.

How about sa lovelife niya? “I have no time for lovelife, hahaha! Kasi, ano, nandito na ‘yung career na pinakahihintay ko, so siguro mas focus ako sa career ko ngayon. Iyon ang priority ko ngayon, sarili ko, family, and career,” nakangiting saad niya.

So ang love life? “Pass muna ‘yun! Pass muna… sa tamang panahon naman darating din iyon.”

Si Carmina ang gaganap na kontrabida sa kanilang TV series, handa na ba siyang i-terrorize ng aktres?

Tumawa muna si Pau bago sumagot, “Ready na po ako, actually excited nga po ako pero at the same time, kinakabahan.” Dagdag niya, “Sa totoo lang po, nata-challenge ako kasi iba ang Ms. Carmina Villaroel at mae-experience ko na rito ang paging kontrabida niya, ‘di ba?”

Nabanggit din ni Pau na maraming sampalang magaganap sa kanilang bagong teleserye. So, makatitikim siya ng sampal kay Carmina? “Yes, makatitikim ako, gusto ko iyon. Hahaha! Ready ako roon. Ready na akong masampal ni Ms. Carmina Villaroel, ready na po,” nakangiting wika ni Pauline.

Bago nagtapos ay pinasalamatan din ni Pau si Ms. Rhea. “Sa Beautederm naman, very thankful po ako kay Ms. Rei Tan, talagang sobrang bait ng puso niya and ‘yung pagkatao niya, talagang napaka-helpful niya, sobrang generous niya, lahat na. Talagang minamahal niya ‘yung mga tao, tumutulong talaga siya sa kapwa niya, kaya sobra-sobra rin ‘yung balik ng pagmamahal ng tao sa kanya. Very love namin ‘yang si Tita Rei.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …