Thursday , December 26 2024

Mia, pinagkakaguluhan na ‘di pa man naipalalabas sa mga sinehan

OPENING salvo o buenamanong pelikula ang rom-com movie nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman, ang Mia na handog ng Insight 360 Films na ire-release ng Viva Films. Ang Viva ang producer ng Miracle in Cell No 7 na top grosser sa katatapos na Metro Manila Film Fesitval kaya naman may mga nagsasabing makuha kaya ng Mia ang suwerte ng pelikula ni Aga Muhlach?

Bakit naman hindi? Simula pa lang nang i-release ang trailer ng Mia na idinirehe ni Veronica Velasco, marami na ang nag-abang at talagang hinihintay na mapanood sa big screen.

Agad kasing naging viral ang Mia trailer simula nang ilunsad ito noong Nobyembre 11 sa Youtube at Facebook. Imagine, nakakuha agad ito ng 6 million organic views sa FB at 500,000 naman sa YT.

Marami na nga ang naghihintay sa Mia bukod pa sa marami ang excited na makita ang chemistry nina Coleen at EA bukod pa sa relatable ang plot. Maganda ang pagkakagawa ng trailer, malinaw ang pelikula at kahanga-hanga ang cinematography ni Noel Teehankee kaya hindi maiwasang ikompara sa Hollywood at South Korean films.

Anang isang comment sa YT, “Sabi ko bagong Hollywood movie ito ah. Ayan na laseng na ‘yung Amerikana tapos bilang (Pinoy) film…luh!” at  may kasamang applause emojis.

Kitang-kitang rin ang natural na ganda ni Coleen kasama na siyempre ang magaling na pag-arte nito gayundin ni EA.

Marami rin ang humanga sa ganda ng soundtrack ng pelikula, ang Sa Iba Na Lang na inawit ng B.O.U. gayundin ang Ikaw Na Nga Talaga ng 1:43. Ang mga awiting ito ay isinulat ni Jayson Dedal at inayos ng Sonic State Audio Studio.

Ang Mia ay ipinrodyus ng public relations guru at award winning filmmaker na si Chris Cahilig para sa Insigt 360 Films sa pakikipagtulungan ng Viva Films. Ang istorya ng Mia (Coleen) ay ukol sa isang self-destructive alcoholic na doctor na pinipilit malimutan ang isang trahedyang nangyari sa kanyang fiancé samantalang si Jay (EA), ay ang  nag-transform ng mined-out land sa rainforests.

Bukod sa magaling na pagkakaarte ng mga bida, tiyak na maiintriga ang sinumang manonood ng pelikula sa unique at realistic take nito ukol sa love, at healing.

Kasama rin sa pelikula sina Yayo Aguila, William Martinez, Billiw Crawfird, Star orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Beneitez, at Xenia Barrameda.

Pero bago mapanood ito sa big screen sa January 15, magkakaroon muna ng National Mia Day na gaganapin sa Cinema 1 ng SM Megamall na sinumang may pangalang MIA ay mabibigyan ng libreng tiket para sa special screening ng pelikula. Kaya sa mga may pangalang MIA, sugod na sa Megamall sa January 13.

Magkakaroon din ng series ng mall shows ang mga bida ng Mia, na nauna nang magpasaya sa Sta Lucia Mall kahapon, at nakatakdang magpasaya sa mga magtutungo sa SM Dasmarinas sa January 11 at Fishermall Malabon at Quezon Avenue sa January 12.

Kaya kitakits po sa mga sinehan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *