Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beautiful Justice, nakikipagsabayan sa mga katapat na programa

TUNGKOL pa rin sa New Year’s resolution, si Yasmien Kurdi ay hindi rin gaanong naniniwala.

“New Year’s resolution…I guess ang hirap kasing mag-New Year’s resolution kasi parang kung kailangan mong mag-New Year’s resolution bakit hindi mo gawin ngayon na?

“Instead na gagawin mo pa siya sa next year, ‘di ba?”

May ginawa ba siya sa 2019 na parang ni-regret niya na ayaw na niyang gawin sa 2020?

“Wala naman.

“Actually ‘yung mga bagay na mga hindi magaganda if ever sa buhay mo, dapat you learn something from it and…at ‘yun ‘yung dapat maging inspirasyon mo para mas maging stronger ka as a person, hindi mo dapat kahinaan, ‘yun ang dapat maging strength mo, na na-experience mo siya.”

Seven years old na si Ayesha na anak nila ng mister niyang pilotong si Rey Soldevilla, Jr. Hindi pa ba it’s about time na mayroon na siyang baby brother or baby sister?

“Oo nga eh, pero in God’s time, ‘pag obinigay ni Lord eh ‘di why not.”

O ayaw siguro ni Ayesha ng may kapatid para solo o only baby of the family lang siya?

“Hindi ko alam, ako solong anak ako, si Rey apat sila eh, so siya ‘yung pangalawa.”

Patuloy na umaarangkada at lumalaban ang GMA action series na Beautiful Justice nina Yasmien, Bea Binenem at Gabbi Garcia.   

In-expect ba ni Yasmien na tatagal ang Beautiful Justice at makikipagsabayan sa kalabang programa??

Yes in-expect ko and alam ko and in-expect ko na tatagal at tatagal pa ang ‘Beautiful Justice,’ yes, claim it!”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …