Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Mall, The Merrier nina Vice at Anne, todo ariba sa tawanan at kakulitan!

PATULOY sa paghataw sa takilya at sa puso ng bawat Filipino ang laugh-a-minute movie na The Mall, The Merrier ng patok na patok na tandem nina Vice Gan­da at Anne Curtis. Hindi mabilang ang mga nanood ng feel good movie sa mga sinehan ‘di lamang sa Metro Manila kundi sa buong Filipinas na rin.

Ito ang unang pag­tatambal nina Vice at Anne na dalawa rin sa mga main hosts ng It’s Showtime ng Dos.

Lubos naman ang pasasalamat ni Vice sa milyon-milyong mga Filipino na walang sawang sumu­suporta sa kanya. Para rin kay Vice, may suwerteng dala ang dinadalang sanggol ng napaka­ganda at kuwelang si Anne sa kanyang sina­pupunan na itinuturing niyang Showtime Baby.

Patuloy pa rin dinadagsa ang The Mall, The Merrier sa mga sinehan ilang araw matapos ang higanteng opening nito sa takilya noong naka­raang Pasko.

Patunay ito na talagang laughter and fun kasama ang buong pamilya at madlang people are the best medicines na talagang kaila­ngan ng bawat Pinoy tuwing Christ­mas season.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …