Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, inisnab ang MMFF Parade; Paloma, umeksena

 NAIULAT namin noong Sabado na hindi makararating si Coco Martin sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars na ginanap kahapon dahil nasabay ang shooting ng pelikula sa Star Cinema.

Pero nanggulat naman si Paloma sa parada nang ito ang sumampa sa float ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kaya marami ang na-excite kasi naman first time nagpakita ni Paloma in public.

Kaya hindi man si Coco, si Paloma ang nagpakita sa MMFF Parade of Stars. Si Paloma ang nakaaaliw na karakter ni Coco sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, isa sa walong entries sa MMFF 2019.

Nakakuha kami ng ilang mga larawan ni Paloma sa float ng kanilang pelikula kasama ang iba pang bidang sina Ai Ai delas Alas, Jennylyn Mercado at iba ipa.

Samantala, kung aliw at aksiyon ang hanap ninyo, tamang-tama ang pelikulang ito dahil umpisa pa lang, raratratin na kayo sa sunod-sunod na barilan at bakbakan samantalang sobrang aliw naman si Paloma na walang takot nagpakita ng kaseksihan. Nariyang nag-t-back ito at nag-one-piece para lalong lumabas ang ganda ng katawan.

Whew, ang sexy pala ni Coco ay este, Paloma. Walang binatbat sina Jennylyn at Ai Ai. Pero ‘wag ka, napakagwapo naman ni Jen nang maging oppa.

Pinaghalong Fernando Poe Jr., at Dolphy formula ang nakita naming ginamit ni Coco sa pagdidirehe ng kanilang pelikula kaya nakatitiyak kaming magugustuhan ito ng audience.

Kung pagdidirehe naman ang pag-uusapan, dapat palakpakan si Coco dahil nag-upgrade na siya.

O siya, watch n’yo na lang ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon sa December 25, para kayo mismo ang humusga.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …