Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, basag na basag sa Miracle in Cell No. 7

MAIKLI man at nasa huli, napakahalaga ng naging papel ni Bela Padilla sa Miracle in Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach at isa sa walong entries sa Metro Manila Film Festival.

May dahilan kung bakit Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Miracle in Cell No. 7 dahil maganda at talaga namang nakaaantig ng damdamin. Bukod sa nagpapakita ng pagmamahalan ng mag-ama, kahanga-hanga ang ganitong klase ng istorya.

Si Bela ang lumaking anak na ni Aga na noong bata ay ginampanan ni Xia Vigor.

Aminado si Bela na basag na basag siya sa kanyang eksena habang ipinagtatanggol si Aga. ”Actually, iyak ako ng iyak kahit wala pa ‘yung camera dahil din sa nakita ko ‘yung mga kaeksena ko. ‘Yung buong movie, marami akong eksena na mag-a-action pa lang naiiyak na ako.

“Sinasabihan ako ni Direk Nuel (Naval) na ‘wag muna kasi napanood ko ‘yung Korean version, since mahilig ako sa Korean drama, noong nalaman ko nga na magkakaroon ng Filipino version, natuwa ako, tapos much more pa noong mapunta ako sa set.

“Kaya ako iyak nang iyak, naalala ko ‘yung Korean version. Alam ko kung paano mag-e-end ‘yung story. Tapos bitbit ko ang lahat ng eksena ni Xia. Alam ko ang lahat ng pinagdaanan niya, kasi nabasa ko naman ang buong script. Kaya bago mag-take naiiyak na ako, sinasabihan ako ni Direk na ‘wag muna, may moment tayo. Ang hirap talaga,” mahabang kuwento ni Bela.

Sinabi pa ni Bela na dahil buo na ang script ng Miracle in Cell No. 7 at napanood niya ito, mas nadalian na siyang gampanan ang role niya.

“Alam mo na kasi ang ending, alam mo na ‘yung mangyayari kaya ganoon. Hindi katulad ng sa soap, per week ‘yung bigay ng script. Pwedeng this week, sobrang bait mo, next week ikaw na ‘yung killer, medyo hindi mo alam ang flow. ‘Pag alam mo na ‘yung script kayang-kaya mo nang buuin ang character mo,” sambit pa niya.

Nang tanungin kung anong special sa Miracle…sinabi ng aktres na, ”We missed movies like this. Kasi ang laging napapanood natin every year, kundi fantasy, action or horror. Nawala ‘yung Filipino flavored films. ‘Yung pamilya, ‘yung paglabas mo ng sinehan, may hope ka. May na-feel kang light in your heart. I feel like we need to do movies like this.”

Mapapanood ang Miracle in Cell No. 7 sa December 25 handog ng Viva Films.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …